Mateo 18
Sino ang Pinakadakila?
(Mc. 9:33-37; Lu. 9:46-48)
1 Nangt mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” 2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila 3 att sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababà na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”Mga Sanhi ng Pagkakasala
(Mc. 9:42-48; Lu. 17:1-2)
6 “Mas mabuti pa sa isang tao ang siya'y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya'y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin.
7 Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito.
8 “Kungt ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay.
9 Kungt ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno.”Ang Talinhaga Tungkol sa Nawawalang Tupa
(Lu. 15:3-7)
10-11 “Pakaingatant t ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit.t
12 “Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa bundok upang hanapin ang naligaw? 13 Tandaan ninyo: kapag ito'y kanyang natagpuan, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnapu't siyam na hindi naligaw.
14 Gayundin naman, ayaw ng inyong Amat na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito.”Kung Magkasala ang Isang Kapatid
15 “Kungt magkasala sa iyot ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. 16 Ngunitt kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi.
17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis.”Kapangyarihang Magbawal o Magpahintulot
18 “Tandaant ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit.
19 “Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, ito'y ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit.
20 Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila.”Ang Talinhaga Tungkol sa Lingkod na Di-marunong Magpatawad
21 Lumapitt si Pedro at nagtanong kay Jesus, “Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?”
22 Sinagott siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito.t 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, ‘Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.’
27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya.
28 “Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, ‘Magbayad ka ng utang mo!’ 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’
30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad.
31 “Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. ‘Napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?’ 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid.”
MATTHEW 18
Who Is the Greatest?
(Mark 9.33-37; Luke 9.46-48)
1 t About this time the disciples came to Jesus and asked him who would be the greatest in the kingdom of heaven. 2 Jesus called for a child to come over and stand near him.
3 t Then he said:
I promise you this. If you don't change and become like a child, you will never get into the kingdom of heaven. 4 But if you are as humble as this child, you are the greatest in the kingdom of heaven.
5 And when you welcome one of these children because of me, you welcome me.Temptations To Sin
(Mark 9.42-48; Luke 17.1,2)
6 It will be terrible for people who cause even one of my little followers to sin. Those people would be better off thrown into the deepest part of the ocean with a heavy stone tied around their necks!
7 The world is in for trouble because of the way it causes people to sin. There will always be something to cause people to sin, but anyone who does this will be in for trouble.
8 t If your hand or foot causes you to sin, chop it off and throw it away! You would be better off to go into life paralyzed or lame than to have two hands or two feet and be thrown into the fire that never goes out.
9 t If your eye causes you to sin, poke it out and get rid of it. You would be better off to go into life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fires of hell.The Lost Sheep
(Luke 15.3-7)
10-11 t Don't be cruel to any of these little ones! I promise you their angels are always with my Father in heaven.t 12 Let me ask you this. What would you do if you had 100 sheep and one of them wandered off? Wouldn't you leave the 99 on the hillside and go look for the one that had wandered away? 13 I am sure that finding it would make you happier than having the 99 that never wandered off.
14 That's how it is with your Father in heaven. He doesn't want any of these little ones to be lost.When Someone Sins
(Luke 17.3)
15 t If one of my followerst sins against you, go and point out what was wrong. But do it in private, just between the two of you. If that person listens, you have won back a follower. 16 t But if that one refuses to listen, take along one or two others. The Scriptures teach that every complaint must be proven true by two or more witnesses.
17 If the follower refuses to listen to them, report the matter to the church. Anyone who refuses to listen to the church must be treated like an unbeliever or a tax collector.tAllowing and Not Allowing
18 t I promise you God in heaven will allow whatever you allow on earth, but God will not allow anything you don't allow. 19 I promise that when any two of you on earth agree about something you are praying for, my Father in heaven will do it for you.
20 Whenever two or three of you come together in my name, t I am there with you.An Official //Who Refused To Forgive
21 t Peter came up to the Lord and asked, “How many times should I forgive someonet who does something wrong to me? Is seven times enough?”
22 t Jesus answered:
Not just 7 times, but 77 times!t
23 This story will show you what the kingdom of heaven is like:
One day a king decided to call in his officials and ask them to give an account of what they owed him. 24 As he was doing this, one official was brought in who owed him 50,000,000 silver coins.
25 But he didn't have any money to pay what he owed. The king ordered him to be sold, along with his wife and children and all he owned, in order to pay the debt.
26 The official got down on his knees and began begging, “Have pity on me, and I will pay you every cent I owe!”
27 The king felt sorry for him and let him go free. He even told the official that he did not have to pay back the money.
28 But as this official was leaving, he happened to meet another official, who owed him 100 silver coins. So he grabbed the man by the throat. He started choking him and said, “Pay me what you owe!”
29 The man got down on his knees and began begging, “Have pity on me, and I will pay you back.”
30 But the first official refused to have pity. Instead, he went and had the other official put in jail until he could pay what he owed.
31 When some other officials found out what had happened, they felt sorry for the man who had been put in jail. Then they told the king what had happened. 32 The king called the first official back in and said, “You're an evil man! When you begged for mercy, I said you did not have to pay back a cent. 33 Don't you think you should show pity to someone else, as I did to you?” 34 The king was so angry that he ordered the official to be tortured until he could pay back everything he owed. 35 That is how my Father in heaven will treat you, if you don't forgive each of my followers with all your heart.