Mateo 18
1 Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?2 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.4 Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.5 At sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:6 Datapuwa't sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!8 At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.9 At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit.11 Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang iligtas ang nawala.12 Ano ang akala ninyo? kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.15 At kung magkasala laban sa iyo ang kapatid mo, pumaroon ka, at ipakilala mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na ikaw at siyang magisa: kung ikaw ay pakinggan niya, ay nagwagi ka sa iyong kapatid.16 Datapuwa't kung hindi ka niya pakinggan, ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang sa bibig ng dalawang saksi o tatlo ay mapagtibay ang bawa't salita.17 At kung ayaw niyang pakinggan sila, ay sabihin mo sa iglesia: at kung ayaw rin niyang pakinggan ang iglesia, ay ipalagay mo siyang tulad sa Gentil at maniningil ng buwis.18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.19 Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.20 Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.21 Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito?22 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito.23 Kaya't ang kaharian ng langit ay tulad sa isang hari, na nagibig na makipagusap sa kaniyang mga alipin.24 At nang siya'y magpasimulang makipaghusay, ay iniharap sa kaniya ang isa sa kaniya'y may utang na sangpung libong talento.25 Datapuwa't palibhasa'y wala siyang sukat ibayad, ipinagutos ng kaniyang panginoon na siya'y ipagbili, at ang kaniyang asawa't mga anak, at ang lahat niyang tinatangkilik, at nang makabayad.26 Dahil dito ang alipin ay nagpatirapa at sumamba sa kaniya, na nagsasabi, Panginoon, pagtiisan mo ako, at pagbabayaran ko sa iyong lahat.27 At sa habag ng panginoon sa aliping yaon, ay pinawalan siya, at ipinatawad sa kaniya ang utang.28 Datapuwa't lumabas ang aliping yaon, at nasumpungan ang isa sa mga kapuwa niya alipin, na sa kaniya'y may utang na isang daang denario: at kaniyang hinawakan siya, at sinakal niya, na sinasabi, Bayaran mo ang utang mo.29 Kaya't nagpatirapa ang kaniyang kapuwa alipin at namanhik sa kaniya, na nagsasabi, Pagtiisan mo ako, at ikaw ay pagbabayaran ko.30 At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.31 Nang makita nga ng kaniyang mga kapuwa alipin ang nangyari, ay nangamanglaw silang lubha, at nagsiparoon at isinaysay sa kanilang panginoon ang lahat ng nangyari.32 Nang magkagayo'y pinalapit siya ng kaniyang panginoon, at sa kaniya'y sinabi, Ikaw na aliping masama, ipinatawad ko sa iyo ang lahat ng utang na yaon, sapagka't ipinamanhik mo sa akin:33 Hindi baga dapat na ikaw naman ay mahabag sa iyong kapuwa alipin, na gaya ko namang nahabag sa iyo?34 At nagalit ang kaniyang panginoon, at ibinigay siya sa mga tagapagpahirap, hanggang sa siya'y magbayad ng lahat ng utang.35 Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa't isa ang kaniyang kapatid.
MATTHEW 18
Who Is the Greatest?
(Mark 9.33-37; Luke 9.46-48)
1 t About this time the disciples came to Jesus and asked him who would be the greatest in the kingdom of heaven. 2 Jesus called for a child to come over and stand near him.
3 t Then he said:
I promise you this. If you don't change and become like a child, you will never get into the kingdom of heaven. 4 But if you are as humble as this child, you are the greatest in the kingdom of heaven.
5 And when you welcome one of these children because of me, you welcome me.Temptations To Sin
(Mark 9.42-48; Luke 17.1,2)
6 It will be terrible for people who cause even one of my little followers to sin. Those people would be better off thrown into the deepest part of the ocean with a heavy stone tied around their necks!
7 The world is in for trouble because of the way it causes people to sin. There will always be something to cause people to sin, but anyone who does this will be in for trouble.
8 t If your hand or foot causes you to sin, chop it off and throw it away! You would be better off to go into life paralyzed or lame than to have two hands or two feet and be thrown into the fire that never goes out.
9 t If your eye causes you to sin, poke it out and get rid of it. You would be better off to go into life with only one eye than to have two eyes and be thrown into the fires of hell.The Lost Sheep
(Luke 15.3-7)
10-11 t Don't be cruel to any of these little ones! I promise you their angels are always with my Father in heaven.t 12 Let me ask you this. What would you do if you had 100 sheep and one of them wandered off? Wouldn't you leave the 99 on the hillside and go look for the one that had wandered away? 13 I am sure that finding it would make you happier than having the 99 that never wandered off.
14 That's how it is with your Father in heaven. He doesn't want any of these little ones to be lost.When Someone Sins
(Luke 17.3)
15 t If one of my followerst sins against you, go and point out what was wrong. But do it in private, just between the two of you. If that person listens, you have won back a follower. 16 t But if that one refuses to listen, take along one or two others. The Scriptures teach that every complaint must be proven true by two or more witnesses.
17 If the follower refuses to listen to them, report the matter to the church. Anyone who refuses to listen to the church must be treated like an unbeliever or a tax collector.tAllowing and Not Allowing
18 t I promise you God in heaven will allow whatever you allow on earth, but God will not allow anything you don't allow. 19 I promise that when any two of you on earth agree about something you are praying for, my Father in heaven will do it for you.
20 Whenever two or three of you come together in my name, t I am there with you.An Official //Who Refused To Forgive
21 t Peter came up to the Lord and asked, “How many times should I forgive someonet who does something wrong to me? Is seven times enough?”
22 t Jesus answered:
Not just 7 times, but 77 times!t
23 This story will show you what the kingdom of heaven is like:
One day a king decided to call in his officials and ask them to give an account of what they owed him. 24 As he was doing this, one official was brought in who owed him 50,000,000 silver coins.
25 But he didn't have any money to pay what he owed. The king ordered him to be sold, along with his wife and children and all he owned, in order to pay the debt.
26 The official got down on his knees and began begging, “Have pity on me, and I will pay you every cent I owe!”
27 The king felt sorry for him and let him go free. He even told the official that he did not have to pay back the money.
28 But as this official was leaving, he happened to meet another official, who owed him 100 silver coins. So he grabbed the man by the throat. He started choking him and said, “Pay me what you owe!”
29 The man got down on his knees and began begging, “Have pity on me, and I will pay you back.”
30 But the first official refused to have pity. Instead, he went and had the other official put in jail until he could pay what he owed.
31 When some other officials found out what had happened, they felt sorry for the man who had been put in jail. Then they told the king what had happened. 32 The king called the first official back in and said, “You're an evil man! When you begged for mercy, I said you did not have to pay back a cent. 33 Don't you think you should show pity to someone else, as I did to you?” 34 The king was so angry that he ordered the official to be tortured until he could pay back everything he owed. 35 That is how my Father in heaven will treat you, if you don't forgive each of my followers with all your heart.