previous next

Mateo 21

Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem

(Mc. 11:1-11; Lu. 19:28-40; Jn. 12:12-19)

1 Malapit na sa Jerusalem nang sila ay dumaan sa Bethfage, sa Bundok ng mga Olibo. Inutusan ni Jesus ang dalawa sa kanyang mga alagad, 2 “Pumunta kayo sa susunod na nayon at makikita ninyo kaagad doon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang anak. Kalagan ninyo ang mga iyon at dalhin sa akin.

3 Kapag may nagtanong sa inyo, sabihin ninyong kailangan iyon ng aming Panginoon at ipapaubaya niya agad ang mga iyon sa inyo.”

4 Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta:

5 “Sat lunsod ng Zion ay ipahayag ninyo,
‘Tingnan mo, ang hari mo'y dumarating.
Siya'y mapagpakumbabá; masdan mo't siya'y nakasakay sa isang asno,
at sa isang batang asno na anak ng isang babaing asno.’”
6 Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Jesus. 7 Dinala nila kay Jesus ang inahing asno at ang anak nito, at isinapin sa likod ng mga ito ang kanilang balabal. Pagkatapos, sumakay dito si Jesus. 8 Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; mayroon namang pumutol ng mga sanga ng kahoy at ito'y inilatag sa daan.

9 Nagsisigawant ang mga taong nauuna at sumusunod sa kanya. Sigaw nila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Diyos!”t
10 Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila.

11 “Si Jesus, ang propetang taga-Nazaret sa Galilea,” sagot ng karamihan.

Nagalit si Jesus

(Mc. 11:15-19; Lu. 19:45-48; Jn. 2:13-22)


12 Pumasok si Jesus sa Templo at ipinagtabuyan niyang palabas ang mga nagbibili at namimili roon. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga namamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng kalapati.

13 Sinabit niya, “Sinasabi sa Kasulatan,
‘Ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan.’
Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng mga magnanakaw.”
14 Habang si Jesus ay nasa Templo, lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kanyang pinagaling.

15 Nagalit ang mga punong pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa niya at marinig ang mga batang sumisigaw sa loob ng Templo ng, “Purihin ang Anak ni David!”

16 Sinabit nila kay Jesus, “Di mo ba naririnig ang sinasabi nila?”
“Naririnig ko!” tugon ni Jesus. “Bakit? Hindi pa ba ninyo nababasa ang ganitong pangungusap sa kasulatan: ‘Pinalabas mo sa bibig ng mga sanggol at ng mga pasusuhin ang wagas na papuri?’”

17 Iniwan sila ni Jesus at lumabas siya ng lunsod papuntang Bethania. Doon siya nagpalipas ng gabi.

Sinumpa ang Puno ng Igos

(Mc. 11:12-14, 20-24)


18 Kinaumagahan, nang si Jesus ay pabalik sa lunsod, siya'y nakaramdam ng gutom.

19 Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” Agad na natuyo ang puno.

20 Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y namangha. “Paanong natuyo agad ang puno ng igos?” tanong nila.
21 Sumagott si Jesus, “Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,’ mangyayari ang inyong sinabi.

22 Anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo.”

Pag-uusisa Tungkol sa Karapatan ni Jesus

(Mc. 11:27-33; Lu. 20:1-8)


23 Pumasok si Jesus sa Templo. Habang siya'y nagtuturo doon, lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga pinuno ng bayan, at siya'y tinanong, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang gumawa nito?”
24 Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko rin kayo. Kapag sinagot ninyo ang tanong ko, saka ko sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito.

25 Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?”
Kaya't sila'y nag-usap-usap, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’
26 Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, baka naman kung ano ang gawin sa atin ng mga taong-bayan, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta.”

27 Kaya't sumagot sila kay Jesus, “Hindi namin alam!”
Sinabi naman niya sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginagawa ko.”

Ang Talinhaga Tungkol sa Dalawang Anak


28 “Ano ang palagay ninyo rito? May isang taong may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa nakatatanda at sinabi, ‘Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at magtrabaho ka roon.’ 29-30 ‘Ayoko po,’ tugon nito, ngunit nagbago ito ng pasya at nagtrabaho sa ubasan. Lumapit din ang ama sa ikalawa at ganoon din ang kanyang sinabi. At tumugon ito, ‘Opo,’ ngunit hindi naman pumunta sa ubasan.t

31 Sino sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?”
“Ang nakatatanda po,” sagot nila.
Sinabi sa kanila ni Jesus, “Tandaan ninyo: ang mga maniningil ng buwis at ang mga bayarang babae ay nauuna pa sa inyong pasakop sa paghahari ng Diyos.

32 Sapagkatt naparito sa inyo si Juan at itinuro ang pagsunod sa kalooban ng Diyos, at hindi ninyo siya pinaniwalaan, ngunit naniwala sa kanya ang mga maniningil ng buwis at ang mga bayarang babae. Nakita ninyo ito subalit hindi pa rin kayo nagsisi't tumalikod sa inyong mga kasalanan, at hindi rin kayo naniwala sa kanya.”

Ang Talinhaga Tungkol sa Ubasan at mga Katiwala

(Mc. 12:1-12; Lu. 20:9-19)


33 “Pakinggant ninyo ang isa pang talinhaga,” sabi ni Jesus. “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Binakuran niya ang ubasan, nilagyan ng pisaan, at tinayuan ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, ang ubasan ay kanyang pinaalagaan sa mga katiwala at siya'y nagpunta sa ibang lupain. 34 Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga tauhan upang kunin sa mga katiwala ang kanyang kaparte. 35 Ngunit sinunggaban ng mga katiwala ang mga tauhan; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. 36 Pinapunta uli ng may-ari ang mas marami pang tauhan ngunit ganoon din ang ginawa ng mga katiwala sa mga ito. 37 Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. Sabi niya sa sarili, ‘Marahil nama'y igagalang nila ang aking anak.’ 38 Ngunit nang makita ng mga katiwala ang anak, sila'y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin siya upang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’

39 Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay.”
40 At tinanong sila ni Jesus, “Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga taong iyon?”

41 Sumagot sila, “Lilipulin niya ang mga masasamang iyon at paaalagaan ang ubasan sa ibang katiwala na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.”

42 Nagpatuloyt si Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong-panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito'y kahanga-hangang pagmasdan!’
43 “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo at ibibigay sa mga taong tapat na maglilingkod sa kanya.

44 Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.”t
45 Narinig ng mga punong pari at ng mga Pariseo ang mga talinhaga ni Jesus at naunawaan nilang sila ang pinapatamaan niya. 46 Siya'y dadakpin sana nila ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na si Jesus ay isang propeta.

MATTHEW 21

Jesus Enters Jerusalem

(Mark 11.1-11; Luke 19.28-38; John 12.12-19)

1 When Jesus and his disciples came near Jerusalem, he went to Bethphage on the Mount of Olives and sent two of them on ahead. 2 He told them, “Go into the next village, where you will at once find a donkey and her colt. Untie the two donkeys and bring them to me.

3 If anyone asks why you are doing this, just say, ‘The Lordt needs them.’ He will at once let you have the donkeys.”

4 So God's promise came true, just as the prophet had said,

5  t “Announce to the people
of Jerusalem:
‘Your king is coming to you!
He is humble
and rides on a donkey.
He comes on the colt
of a donkey.’ ”
6 The disciples left and did what Jesus had told them to do.

7 They brought the donkey and its colt and laid some clothes on their backs. Then Jesus got on.
8 Many people spread clothes in the road, while others put down branchest which they had cut from trees.

9 t Some people walked ahead of Jesus and others followed behind. They were all shouting,
“Hoorayt for the Son of David!t
God bless the one who comes
in the name of the Lord.
Hooray for God
in heaven above!”

10 When Jesus came to Jerusalem, everyone in the city was excited and asked, “Who can this be?”

11 The crowds answered, “This is Jesus, the prophet from Nazareth in Galilee.”

Jesus in the Temple

(Mark 11.15-19; Luke 19.45-48; John 2.13-22)


12 Jesus went into the temple and chased out everyone who was selling or buying. He turned over the tables of the moneychangers and the benches of the ones who were selling doves.

13 t He told them, “The Scriptures say, ‘My house should be called a place of worship.’ But you have turned it into a place where robbers hide.”
14 Blind and lame people came to Jesus in the temple, and he healed them. 15 But the chief priests and the teachers of the Law of Moses were angry when they saw his miracles and heard the children shouting praises to the Son of David.t

16 t The men said to Jesus, “Don't you hear what those children are saying?”
“Yes, I do!” Jesus answered. “Don't you know that the Scriptures say, ‘Children and infants will sing praises’?”

17 Then Jesus left the city and went out to the village of Bethany, where he spent the night.

Jesus Puts a Curse //on a Fig Tree

(Mark 11.12-14,20-24)


18 When Jesus got up the next morning, he was hungry. He started out for the city,

19 and along the way he saw a fig tree. But when he came to it, he found only leaves and no figs. So he told the tree, “You will never again grow any fruit!” Right then the fig tree dried up.
20 The disciples were shocked when they saw how quickly the tree had dried up. 21 t But Jesus said to them, “If you have faith and don't doubt, I promise you can do what I did to this tree. And you will be able to do even more. You can tell this mountain to get up and jump into the sea, and it will.

22 If you have faith when you pray, you will be given whatever you ask for.”

A Question //about Jesus' Authority

(Mark 11.27-33; Luke 20.1-8)


23 Jesus had gone into the temple and was teaching when the chief priests and the leaders of the people came up to him. They asked, “What right do you have to do these things? Who gave you this authority?”
24 Jesus answered, “I have just one question to ask you. If you answer it, I will tell you where I got the right to do these things.

25 Who gave John the right to baptize? Was it God in heaven or merely some human being?”
They thought it over and said to each other, “We can't say God gave John this right. Jesus will ask us why we didn't believe John.
26 On the other hand, these people think John was a prophet, and we are afraid of what they might do to us. That's why we can't say it was merely some human who gave John the right to baptize.”

27 So they told Jesus, “We don't know.”
Jesus said, “Then I won't tell you who gave me the right to do what I do.”

A Story about Two Sons


28 Jesus said:
I will tell you a story about a man who had two sons. Then you can tell me what you think. The father went to the older son and said, “Go work in the vineyard today!”
29 His son told him he would not do it, but later he changed his mind and went. 30 The man then told his younger son to go work in the vineyard. The boy said he would, but he didn't go.

31 Which one of the sons obeyed his father?
“The older one,” the chief priests and leaders answered.
Then Jesus told them:
You can be sure tax collectorst and prostitutes will get into the kingdom of God before you ever will!

32 t When John the Baptist showed you how to do right, you would not believe him. But these evil people did believe. And even when you saw what they did, you still would not change your minds and believe.

Renters of a Vineyard

(Mark 12.1-12; Luke 20.9-19)


33  t Jesus told the chief priests and leaders to listen to this story:
A land owner once planted a vineyard. He built a wall around it and dug a pit to crush the grapes in. He also built a lookout tower. Then he rented out his vineyard and left the country.
34 When it was harvest time, the owner sent some servants to get his share of the grapes. 35 But the renters grabbed those servants. They beat up one, killed one, and stoned one of them to death.

36 He then sent more servants than he did the first time. But the renters treated them in the same way.
37 Finally, the owner sent his own son to the renters, because he thought they would respect him. 38 But when they saw the man's son, they said, “Someday he will own the vineyard. Let's kill him! Then we can have it all for ourselves.”

39 So they grabbed him, threw him out of the vineyard, and killed him.

40 Jesus asked, “When the owner of that vineyard comes, what do you suppose he will do to those renters?”

41 The chief priests and leaders answered, “He will kill them in some horrible way. Then he will rent out his vineyard to people who will give him his share of grapes at harvest time.”

42  t Jesus replied, “You surely know that the Scriptures say,
‘The stone the builders
tossed aside
is now the most important
stone of all.
This is something
the Lord has done,
and it is amazing to us.’
43 I tell you God's kingdom will be taken from you and given to people who will do what he demands.

44 Anyone who stumbles over this stone will be crushed, and anyone it falls on will be smashed to pieces.”t
45 When the chief priests and the Pharisees heard these stories, they knew Jesus was talking about them. 46 So they looked for a way to arrest Jesus. But they were afraid to, because the people thought he was a prophet.