previous next

Mateo 22

Ang Talinhaga Tungkol sa Kasalan

(Lu. 14:15-24)

1 Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinhaga. Sinabi niya, 2 “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki. 3 Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang dumalo. 4 Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito: ‘Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina kayo!’ 5 Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-kanilang lakad. May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso ng kanyang negosyo. 6 Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at pinatay. 7 Galit na galit ang hari kaya't pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lunsod. 8 Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, ‘Nakahanda na ang mga pagkain ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan. 9 Pumunta kayo sa mga lansangang matao at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’

10 Pumunta nga sa mga pangunahing lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.
11 “Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan. 12 Tinanong niya ito, ‘Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?’ Hindi nakasagot ang tao,

13 kaya'tt sinabi ng hari sa mga lingkod, ‘Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin.’ ”

14 Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, “Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili.”

Ang Pagbabayad ng Buwis

(Mc. 12:13-17; Lu. 20:20-26)


15 Umalis ang mga Pariseo at nag-usap-usap kung paano nila mahuhuli si Jesus sa kanyang pananalita. 16 Kaya pinapunta nila kay Jesus ang ilan sa kanilang mga alagad kasama nang ilang tagasunod ni Herodes. Sinabi ng mga sugo, “Guro, nalalaman naming kayo'y tapat at itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng mga tao. Wala kayong itinatangi sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa mga tao.

17 Ano po ang palagay ninyo? Naaayon ba sa Kautusan na magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?”
18 Alam ni Jesus ang kanilang masamang layunin kaya't sinabi niya, “Kayong mga mapagkunwari! Bakit nais ninyo akong hulihin?

19 Ipakita ninyo sa akin ang isang salaping pambuwis.”
At ipinakita nga nila ang isang salaping pilak.

20 “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit diyan?” tanong ni Jesus.

21 “Sa Emperador po,” tugon nila.
Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa kanya, at sa Diyos ang para sa Diyos.”

22 Namangha sila nang marinig ito, at sila'y umalis.

Tungkol sa Muling Pagkabuhay

(Mc. 12:18-27; Lu. 20:27-40)


23 Nangt araw ding iyon, may lumapit kay Jesus na ilang Saduseo. Ang mga ito ay hindi naniniwalang muling mabubuhay ang mga patay. 24 Sinabit nila, “Guro, itinuro po ni Moises na kung mamatay na walang anak ang isang lalaki, ang kanyang kapatid ay dapat pakasal sa nabiyuda upang magkaanak sila para sa namatay. 25 Noon po'y may pitong magkakapatid na lalaki rito sa amin. Nag-asawa ang panganay at namatay siyang walang anak, kaya't ang kanyang asawa ay pinakasalan ng kanyang kapatid. 26 Gayundin po ang nangyari sa pangalawa, sa pangatlo, hanggang sa pampito. 27 Pagkamatay nilang lahat, namatay naman ang babae.

28 Ngayon, sino po sa pito ang magiging asawa niya sa muling pagkabuhay, yamang siya'y napangasawa nilang lahat?”
29 Sumagot si Jesus, “Maling-mali ang iniisip ninyo, palibhasa'y hindi ninyo nauunawaan ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. 30 Sat muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit. 31 Tungkol naman sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya,

32 ‘Akot nga ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy.”

33 Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang katuruan.

Ang Pinakamahalagang Utos

(Mc. 12:28-34; Lu. 10:25-28)


34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. 35 Isat sa kanila, na dalubhasa sa Kautusang Judio,t ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito.

36 “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.
37 Sumagott si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. 38 Ito ang pinakamahalagang utos. 39 Itot naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

40 Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”

Ang Tanong Tungkol sa Anak ni David

(Mc. 12:35-37; Lu. 20:41-44)


41 Tinanong naman ni Jesus ang mga Pariseong nagkakatipon doon.

42 “Ano ang pagkaalam ninyo tungkol sa Cristo? Kanino siyang anak?”
“Kay David po,” sagot nila.

43 Sabi ni Jesus, “Kung gayon, bakit siya tinawag ni David na ‘Panginoon’ nang nasa kanya ang Espiritu? Ganito ang kanyang sinabi,

44 ‘Sinabit ng Panginoon sa aking Panginoon:
Maupo ka sa kanan ko,
hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’
45 Ngayon, kung si David ay tumawag sa kanya ng ‘Panginoon,’ paanong masasabing anak ni David ang Cristo?” 46 Isa man sa kanila'y walang nakasagot, at mula noo'y wala nang nangahas magtanong sa kanya.

MATTHEW 22

The Great Banquet

(Luke 14.15-24)

1 Once again Jesus used stories to teach the people:
2 The kingdom of heaven is like what happened when a king gave a wedding banquet for his son. 3 The king sent some servants to tell the invited guests to come to the banquet, but the guests refused.

4 He sent other servants to say to the guests, “The banquet is ready! My cattle and prize calves have all been prepared. Everything is ready. Come to the banquet!”
5 But the guests did not pay any attention. Some of them left for their farms, and some went to their places of business.

6 Others grabbed the servants, then beat them up and killed them.
7 This made the king so furious that he sent an army to kill those murderers and burn down their city. 8 Then he said to the servants, “It is time for the wedding banquet, and the invited guests don't deserve to come. 9 Go out to the street corners and tell everyone you meet to come to the banquet.”

10 They went out on the streets and brought in everyone they could find, good and bad alike. And the banquet room was filled with guests.
11 When the king went in to meet the guests, he found that one of them wasn't wearing the right kind of clothes for the wedding. 12 The king asked, “Friend, why didn't you wear proper clothes for the wedding?” But the guest had no excuse. 13 t So the king gave orders for this person to be tied hand and foot and to be thrown outside into the dark. That's where people will cry and grit their teeth in pain.

14 t Many are invited, but only a few are chosen.

Paying Taxes

(Mark 12.13-17; Luke 20.20-26)


15 The Pharisees got together and planned how they could trick Jesus into saying something wrong. 16 They sent some of their followers and some of Herod's followerst to say to him, “Teacher, we know that you are honest. You teach the truth about what God wants people to do. And you treat everyone with the same respect, no matter who they are.

17 Tell us what you think! Should we pay taxes to the Emperor or not?”
18 Jesus knew their evil thoughts and said, “Why are you trying to test me? You show-offs! 19 Let me see one of the coins used for paying taxes.” They brought him a silver coin,

20 and he asked, “Whose picture and name are on it?”

21 “The Emperor's,” they answered.
Then Jesus told them, “Give the Emperor what belongs to him and give God what belongs to God.”

22 His answer surprised them so much that they walked away.

Life in the Future World

(Mark 12.18-27; Luke 20.27-40)


23  t The Sadducees did not believe people would rise to life after death. So that same day some of the Sadducees came to Jesus and said:

24  t Teacher, Moses wrote that if a married man dies and has no children, his brother should marry the widow. Their first son would then be thought of as the son of the dead brother.
25 Once there were seven brothers who lived here. The first one married, but died without having any children. So his wife was left to his brother. 26 The same thing happened to the second and third brothers and finally to all seven of them. 27 At last the woman died.

28 When God raises people from death, whose wife will this woman be? She had been married to all seven brothers.

29 Jesus answered:
You are completely wrong! You don't know what the Scriptures teach. And you don't know anything about the power of God.
30 t When God raises people to life, they won't marry. They will be like the angels in heaven. 31 And as for people being raised to life, God was speaking to you when he said,

32 t “I am the God worshiped by Abraham, Isaac, and Jacob.”t He isn't the God of the dead, but of the living.

33 The crowds were surprised to hear what Jesus was teaching.

The Most Important //Commandment

(Mark 12.28-34; Luke 10.25-28)


34 After Jesus had made the Sadducees look foolish, the Pharisees heard about it and got together. 35 t One of them was an expert in the Jewish Law. So he tried to test Jesus by asking,

36 “Teacher, what is the most important commandment in the Law?”

37  t Jesus answered:
Love the Lord your God with all your heart, soul, and mind.
38 This is the first and most important commandment. 39 t The second most important commandment is like this one. And it is, “Love others as much as you love yourself.”

40 All the Law of Moses and the Books of the Prophetst are based on these two commandments.

About David's Son

(Mark 12.35-37; Luke 20.41-44)


41 While the Pharisees were still there, Jesus asked them,

42 “What do you think about the Messiah? Whose family will he come from?”
They answered, “He will be a son of King David.”t

43 Jesus replied, “How then could the Spirit lead David to call the Messiah his Lord? David said,

44  t ‘The Lord said to my Lord:
Sit at my right sidet
until I make your enemies
into a footstool for you.’
45 If David called the Messiah his Lord, how can the Messiah be a son of King David?” 46 No one was able to give Jesus an answer, and from that day on, no one dared ask him any more questions.