Mateo 23
Ang Katuruan Tungkol sa Pagpapakumbabá
(Mc. 12:38-39; Lu. 11:43, 46; 20:45-46)
1 Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, 2 “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. 3 Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos, ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang ginagawa sapagkat hindi nila tinutupad ang kanilang ipinapangaral. 4 Pinagpapasan nila ng mabibigat na dalahin ang mga tao, ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. 5 Pawangt pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang mga lalagyan ng talata sa kanilang noo at braso, at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit.t 6 Ang nais nila ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga tanging upuan sa sinagoga. 7 Gustung-gusto nilang iginagalang sila sa mga palengke, at tawaging ‘guro.’ 8 Ngunit kayo, huwag kayong patawag na ‘guro,’ sapagkat iisa ang inyong Guro at kayong lahat ay magkakapatid. 9 Huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Ama na nasa langit. 10 Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong tagapagturo, ang Cristo. 11 Angt pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.
12 Angt nagmamataas ay ibababâ, at ang nagpapakumbabá ay itataas.”Tinuligsa ni Jesus ang mga Tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo
(Mc. 12:40; Lu. 11:39-42, 44, 52; 20:47)
13-14 “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Hinahadlangan ninyo ang mga tao upang hindi sila makapasok sa kaharian ng langit. Ayaw na ninyong pumasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nais pumasok!t
15 “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nilalakbay ninyo ang karagatan at ginagalugad ang buong daigdig makahikayat lamang kayo ng kahit isang Hentil sa pananampalatayang Judio. Ngunit kung ito'y mahikayat, ginagawa ninyo siyang masahol pa kaysa sa inyo. Kaya't lalong may dahilan para siya'y parusahan sa impiyerno.
16 “Kahabag-habag kayo, mga bulag na taga-akay! Itinuturo ninyo na kung gagamitin ninuman ang Templo sa panunumpa, walang anuman ito. Ngunit kung ang gagamitin niya sa panunumpa ay ang ginto ng Templo, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. 17 Mga bulag! Mga hangal! Alin ba ang mas mahalaga, ang ginto, o ang Templong nagpapabanal sa ginto? 18 Sinasabi rin ninyo na kung gagamitin ninuman ang dambana sa panunumpa, walang anuman ito. Ngunit kung ang gagamitin niya ay ang handog na nasa dambana, dapat niyang tuparin ang kanyang sumpa. 19 Mga bulag! Alin ba ang mas mahalaga, ang handog o ang dambana na nagpapabanal sa handog? 20 Kaya nga, kapag nanumpa ang sinuman na saksi ang dambana, ginagawa niyang saksi ito at ang lahat ng handog dito. 21 Kapag nanumpa ang sinuman na saksi niya ang Templo, ginagawa niyang saksi ito at ang Diyos na nasa Templo.
22 Att kapag nanumpa ang sinuman na saksi niya ang langit, ginagawa niyang saksi ang trono ng Diyos at ang Diyos na nakaupo doon.
23 “Kahabag-habagt kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ibinibigay ninyo ang ikasampung bahagi ng naaani ninyong yerbabuena, ruda, linga, ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan. Huwag ninyong kaligtaang gawin ang mga ito kahit na tamang gawin ninyo ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng ani.
24 Mga bulag na taga-akay! Sinasala ninyo ang kulisap sa inyong inumin, ngunit nilulunok naman ninyo ang kamelyo!
25 “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng tasa at pinggan, ngunit ang mga iyon ay puno ng kasakiman at pagiging makasarili.
26 Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang nasa loob ng tasa,t at magiging malinis din ang labas nito!
27 “Kahabag-habagt kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ang katulad ninyo'y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit ang loob ay bulok at puno ng kalansay.
28 Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao'y mabubuti, ngunit ang totoo'y punung-puno kayo ng pagkukunwari at kasamaan.”Paparusahan ang mga Mapagkunwari
(Lu. 11:47-51)
29 “Kahabag-habag kayo, mga tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo! Mga mapagkunwari! Ipinagpapatayo ninyo ng libingan ang mga propeta, at pinapaganda ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. 30 Sinasabi pa ninyo, ‘Kung kami sana'y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi kami sasama sa pagpatay sa mga propeta.’ 31 Sa sinabi ninyong iyan, inaamin na ninyong kayo'y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! 32 Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno! 33 Mgat ahas! Lahi ng mga ulupong! Hindi kayo makakaiwas na maparusahan sa impiyerno! 34 Kaya nga, magsusugo ako sa inyo ng mga propeta, mga matatalinong tao at mga tagapagturo! Papatayin ninyo ang ilan sa kanila, at ang iba'y ipapako sa krus. Ang iba'y hahagupitin ninyo sa inyong mga sinagoga at uusigin sa bayan-bayan. 35 Kayat nga, paparusahan kayo dahil sa pagkamatay ng lahat ng taong pinatay na walang sala, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na anak ni Baraquias. Pinatay ninyo si Zacarias sa pagitan ng Templo at ng dambanang sunugan ng mga handog.
36 Tandaan ninyo: ang parusa sa lahat ng mga pagpatay na iyon ay mararanasan ng mga taong nabubuhay ngayon.”Ang Pag-ibig ni Jesus sa Jerusalem
(Lu. 13:34-35)
37 “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo sa iyo! Ilang ulit kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw ninyo. 38 Kaya'tt ang inyong Templo ay iiwanang tiwangwang. 39 Sinasabit ko sa inyo, hindi na ninyo ako makikita hanggang dumating ang oras na sabihin ninyo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”
MATTHEW 23
Jesus Condemns the Pharisees //and the Teachers of //the Law of Moses
(Mark 12.38-40; Luke 11.37-52; 20.45-47)
1 Jesus said to the crowds and to his disciples:
2 The Pharisees and the teachers of the Law are experts in the Law of Moses.
3 So obey everything they teach you, but don't do as they do. After all, they say one thing and do something else.
4 They pile heavy burdens on people's shoulders and won't lift a finger to help. 5 t Everything they do is just to show off in front of others. They even make a big show of wearing Scripture verses on their foreheads and arms, and they wear big tasselst for everyone to see. 6 They love the best seats at banquets and the front seats in the synagogues.
7 And when they are in the market, they like to have people greet them as their teachers.
8 But none of you should be called a teacher. You have only one teacher, and all of you are like brothers and sisters. 9 Don't call anyone on earth your father. All of you have the same Father in heaven. 10 None of you should be called the leader. The Messiah is your only leader. 11 t Whoever is the greatest should be the servant of the others.
12 t If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.
13-14 You Pharisees and teachers of the Law of Moses are in for trouble! You're nothing but show-offs. You lock people out of the kingdom of heaven. You won't go in yourselves, and you keep others from going in.t
15 You Pharisees and teachers of the Law of Moses are in for trouble! You're nothing but show-offs. You travel over land and sea to win one follower. And when you have done so, you make that person twice as fit for hell as you are.
16 You are in for trouble! You are supposed to lead others, but you are blind. You teach that it doesn't matter if a person swears by the temple. But you say it does matter if someone swears by the gold in the temple.
17 You blind fools! Which is greater, the gold or the temple that makes the gold sacred?
18 You also teach that it doesn't matter if a person swears by the altar. But you say it does matter if someone swears by the gift on the altar. 19 Are you blind? Which is more important, the gift or the altar that makes the gift sacred? 20 Anyone who swears by the altar also swears by everything on it. 21 And anyone who swears by the temple also swears by God, who lives there.
22 t To swear by heaven is the same as swearing by God's throne and by the one who sits on that throne.
23 t You Pharisees and teachers are show-offs, and you're in for trouble! You give God a tenth of the spices from your garden, such as mint, dill, and cumin. Yet you neglect the more important matters of the Law, such as justice, mercy, and faithfulness. These are the important things you should have done, though you should not have left the others undone either.
24 You blind leaders! You strain out a small fly but swallow a camel.
25 You Pharisees and teachers are show-offs, and you're in for trouble! You wash the outside of your cups and dishes, while inside there is nothing but greed and selfishness.
26 You blind Pharisee! First clean the inside of a cup, and then the outside will also be clean.
27 t You Pharisees and teachers are in for trouble! You're nothing but show-offs. You're like tombs that have been whitewashed.t On the outside they are beautiful, but inside they are full of bones and filth.
28 That's what you are like. Outside you look good, but inside you are evil and only pretend to be good.
29 You Pharisees and teachers are nothing but show-offs, and you're in for trouble! You build monuments for the prophets and decorate the tombs of good people. 30 And you claim you would not have taken part with your ancestors in killing the prophets. 31 But you prove you really are the relatives of the ones who killed the prophets. 32 So keep on doing everything they did.
33 t You are nothing but snakes and the children of snakes! How can you escape going to hell?
34 I will send to you prophets and wise people and experts in the Law of Moses. You will kill them or nail them to a cross or beat them in your synagogues or chase them from town to town. 35 t That's why you will be held guilty for the murder of every good person, beginning with the good man Abel. This also includes Barachiah's son Zechariah, t the man you murdered between the temple and the altar.
36 I can promise that you people living today will be punished for all these things!Jesus Loves Jerusalem
(Luke 13.34,35)
37 Jerusalem, Jerusalem! Your people have killed the prophets and have stoned the messengers who were sent to you. I have often wanted to gather your people, as a hen gathers her chicks under her wings. But you wouldn't let me. 38 t And now your temple will be deserted.
39 t You won't see me again until you say,
“Blessed is the one who comes
in the name of the Lord.”