Mateo 23
1 Nang magkagayo'y nagsalita si Jesus sa mga karamihan at sa kaniyang mga alagad,2 Na nagsasabi, Nagsisiupo ang mga eskriba at mga Fariseo sa luklukan ni Moises.3 Lahat nga ng mga bagay na sa inyo'y kanilang ipagutos, ay gawin ninyo at ganapin: datapuwa't huwag kayong magsigawa ng alinsunod sa kanilang mga gawa; sapagka't kanilang sinasabi, at hindi ginagawa.4 Oo, sila'y nangagbibigkis ng mabibigat na pasan at mahihirap na dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao; datapuwa't ayaw man lamang nilang kilusin ng kanilang daliri.5 Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,6 At iniibig ang mga pangulong dako sa mga pigingan, at ang mga pangulong luklukan sa mga sinagoga,7 At pagpugayan sa mga pamilihan, at ang sila'y tawagin ng mga tao, Rabi.8 Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong guro, at kayong lahat ay magkakapatid.9 At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit.10 Ni huwag kayong patawag na mga panginoon; sapagka't iisa ang inyong panginoon, sa makatuwid baga'y ang Cristo.11 Datapuwa't ang pinakadakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo.12 At sinomang nagmamataas ay mabababa; at sinomang nagpapakababa ay matataas.13 Datapuwa't sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka't kayo'y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.14 Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya't magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.16 Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya.17 Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto?18 At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa't kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya.19 Kayong mga bulag: sapagka't alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog?20 Kaya't ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito.21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito.22 Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.24 Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!25 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! sapagka't inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa't sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan.26 Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.27 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa't sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal.28 Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa't sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid,30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi'y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta.31 Kaya't kayo'y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo'y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta.32 Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang.33 Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?34 Kaya't, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila'y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila'y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila'y inyong paguusigin sa bayan-bayan:35 Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana.36 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito.37 Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinusugo sa kaniya! makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ay ayaw kayo!38 Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.39 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Buhat ngayon ay hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
MATTHEW 23
Jesus Condemns the Pharisees //and the Teachers of //the Law of Moses
(Mark 12.38-40; Luke 11.37-52; 20.45-47)
1 Jesus said to the crowds and to his disciples:
2 The Pharisees and the teachers of the Law are experts in the Law of Moses.
3 So obey everything they teach you, but don't do as they do. After all, they say one thing and do something else.
4 They pile heavy burdens on people's shoulders and won't lift a finger to help. 5 t Everything they do is just to show off in front of others. They even make a big show of wearing Scripture verses on their foreheads and arms, and they wear big tasselst for everyone to see. 6 They love the best seats at banquets and the front seats in the synagogues.
7 And when they are in the market, they like to have people greet them as their teachers.
8 But none of you should be called a teacher. You have only one teacher, and all of you are like brothers and sisters. 9 Don't call anyone on earth your father. All of you have the same Father in heaven. 10 None of you should be called the leader. The Messiah is your only leader. 11 t Whoever is the greatest should be the servant of the others.
12 t If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.
13-14 You Pharisees and teachers of the Law of Moses are in for trouble! You're nothing but show-offs. You lock people out of the kingdom of heaven. You won't go in yourselves, and you keep others from going in.t
15 You Pharisees and teachers of the Law of Moses are in for trouble! You're nothing but show-offs. You travel over land and sea to win one follower. And when you have done so, you make that person twice as fit for hell as you are.
16 You are in for trouble! You are supposed to lead others, but you are blind. You teach that it doesn't matter if a person swears by the temple. But you say it does matter if someone swears by the gold in the temple.
17 You blind fools! Which is greater, the gold or the temple that makes the gold sacred?
18 You also teach that it doesn't matter if a person swears by the altar. But you say it does matter if someone swears by the gift on the altar. 19 Are you blind? Which is more important, the gift or the altar that makes the gift sacred? 20 Anyone who swears by the altar also swears by everything on it. 21 And anyone who swears by the temple also swears by God, who lives there.
22 t To swear by heaven is the same as swearing by God's throne and by the one who sits on that throne.
23 t You Pharisees and teachers are show-offs, and you're in for trouble! You give God a tenth of the spices from your garden, such as mint, dill, and cumin. Yet you neglect the more important matters of the Law, such as justice, mercy, and faithfulness. These are the important things you should have done, though you should not have left the others undone either.
24 You blind leaders! You strain out a small fly but swallow a camel.
25 You Pharisees and teachers are show-offs, and you're in for trouble! You wash the outside of your cups and dishes, while inside there is nothing but greed and selfishness.
26 You blind Pharisee! First clean the inside of a cup, and then the outside will also be clean.
27 t You Pharisees and teachers are in for trouble! You're nothing but show-offs. You're like tombs that have been whitewashed.t On the outside they are beautiful, but inside they are full of bones and filth.
28 That's what you are like. Outside you look good, but inside you are evil and only pretend to be good.
29 You Pharisees and teachers are nothing but show-offs, and you're in for trouble! You build monuments for the prophets and decorate the tombs of good people. 30 And you claim you would not have taken part with your ancestors in killing the prophets. 31 But you prove you really are the relatives of the ones who killed the prophets. 32 So keep on doing everything they did.
33 t You are nothing but snakes and the children of snakes! How can you escape going to hell?
34 I will send to you prophets and wise people and experts in the Law of Moses. You will kill them or nail them to a cross or beat them in your synagogues or chase them from town to town. 35 t That's why you will be held guilty for the murder of every good person, beginning with the good man Abel. This also includes Barachiah's son Zechariah, t the man you murdered between the temple and the altar.
36 I can promise that you people living today will be punished for all these things!Jesus Loves Jerusalem
(Luke 13.34,35)
37 Jerusalem, Jerusalem! Your people have killed the prophets and have stoned the messengers who were sent to you. I have often wanted to gather your people, as a hen gathers her chicks under her wings. But you wouldn't let me. 38 t And now your temple will be deserted.
39 t You won't see me again until you say,
“Blessed is the one who comes
in the name of the Lord.”