Mateo 24
1 At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo.2 Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.3 At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?4 At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.5 Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.6 At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.7 Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.8 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.9 Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.10 At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.11 At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.12 At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.13 Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.14 At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.15 Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),16 Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:17 Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:18 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.19 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!20 At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:21 Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.22 At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.23 Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.24 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.25 Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo.26 Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan.27 Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.28 Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga uwak.29 Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:30 At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.31 At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.32 Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;33 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.34 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.35 Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.37 At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.38 Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.42 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.43 Datapuwa't ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.45 Sino nga baga ang aliping tapat at matalino, na pinagkatiwalaan ng kaniyang panginoon sa kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng pagkain sa kapanahunan?46 Mapalad yaong aliping kung dumating ang kaniyang panginoon, ay maratnan siyang gayon ang kaniyang ginagawa.47 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.48 Datapuwa't kung ang masamang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Magtatagal ang aking panginoon;49 At magsimulang bugbugin ang kaniyang mga kapuwa alipin, at makipagkainan at makipaginuman sa mga lasing;50 Darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at oras na hindi niya nalalaman,51 At siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin.
MATTHEW 24
The Temple Will Be Destroyed
(Mark 13.1,2; Luke 21.5,6)
1 After Jesus left the temple, his disciples came over and said, “Look at all these buildings!”
2 Jesus replied, “Do you see these buildings? They will certainly be torn down! Not one stone will be left in place.”Warning about Trouble
(Mark 13.3-13; Luke 21.7-19)
3 t Later, as Jesus was sitting on the Mount of Olives, his disciples came to him in private and asked, “When will this happen? What will be the sign of your coming and of the end of the world?”
4 Jesus answered:
Don't let anyone fool you.
5 Many will come and claim to be me. They will say they are the Messiah, and they will fool many people.
6 You will soon hear about wars and threats of wars, but don't be afraid. These things will have to happen first, but that isn't the end. 7 t Nations and kingdoms will go to war against each other. People will starve to death, and in some places there will be earthquakes.
8 But this is just the beginning of troubles.
9 t You will be arrested, punished, and even killed. Because of me, you will be hated by people of all nations. 10 Many will give up and will betray and hate each other. 11 Many false prophets will come and fool a lot of people. 12 Evil will spread and cause many people to stop loving others. 13 t But if you keep on being faithful right to the end, you will be saved.
14 When the good news about the kingdom has been preached all over the world and told to all nations, the end will come.The Horrible Thing
(Mark 13.14-23; Luke 21.20-24)
15 t Someday you will see that “Horrible Thing” in the holy place, just as the prophet Daniel said. Everyone who reads this must try to understand! 16 If you are living in Judea at that time, run to the mountains. 17 t If you are on the rooft of your house, don't go inside to get anything. 18 If you are out in the field, don't go back for your coat. 19 It will be a terrible time for women who are expecting babies or nursing young children. 20 And pray that you won't have to escape in winter or on a Sabbath.t 21 t This will be the worst time of suffering since the beginning of the world, and nothing this terrible will ever happen again.
22 If God doesn't make the time shorter, no one will be left alive. But because of God's chosen ones, he will make the time shorter.
23 Someone may say, “Here is the Messiah!” or “There he is!” But don't believe it. 24 False messiahs and false prophets will come and work great miracles and signs. They will even try to fool God's chosen ones. 25 But I have warned you ahead of time. 26 t If you are told the Messiah is out in the desert, don't go there! And if you are told he is in some secret place, don't believe it! 27 The coming of the Son of Man will be like lightning that can be seen from east to west.
28 t Where there is a corpse, there will always be vultures.tWhen the Son of Man //Appears
(Mark 13.24-27; Luke 21.25-28)
29 t Right after those days of suffering,
“The sun will become dark,
and the moon
will no longer shine.
The stars will fall,
and the powers in the skyt
will be shaken.”
30 t Then a sign will appear in the sky. And there will be the Son of Man.t All nations on earth will weep when they see the Son of Man coming on the clouds of heaven with power and great glory.
31 At the sound of a loud trumpet, he will send his angels to bring his chosen ones together from all over the earth.A Lesson from a Fig Tree
(Mark 13.28-31; Luke 21.29-33)
32 Learn a lesson from a fig tree. When its branches sprout and start putting out leaves, you know summer is near. 33 So when you see all these things happening, you will know the time has almost come.t 34 I can promise you that some of the people of this generation will still be alive when all this happens.
35 The sky and the earth won't last forever, but my words will.No One Knows the Day //or Time
(Mark 13.32-37; Luke 17.26-30,34-36)
36 No one knows the day or hour. The angels in heaven don't know, and the Son himself doesn't know.t Only the Father knows. 37 t When the Son of Man appears, things will be just as they were when Noah lived. 38 People were eating, drinking, and getting married right up to the day the flood came and Noah went into the big boat.
39 t They didn't know anything was happening until the flood came and swept them all away. This is how it will be when the Son of Man appears.
40 Two men will be in the same field, but only one will be taken. The other will be left. 41 Two women will be together grinding grain, but only one will be taken. The other will be left. 42 So be on your guard! You don't know when your Lord will come. 43 t Homeowners never know when a thief is coming, and they are always on guard to keep one from breaking in.
44 Always be ready! You don't know when the Son of Man will come.Faithful and Unfaithful Servants
(Luke 12.35-48)
45 Who are faithful and wise servants? Who are the ones the master will put in charge of giving the other servants their food supplies at the proper time? 46 Servants are fortunate if their master comes and finds them doing their job. 47 You may be sure a servant who is always faithful will be put in charge of everything the master owns. 48 But suppose one of the servants thinks the master won't return until late. 49 Suppose this evil servant starts beating the other servants and eats and drinks with people who are drunk. 50 If that happens, the master will surely come on a day and at a time when the servant least expects him. 51 This servant will then be punished and thrown out with the ones who only pretended to serve their master. There they will cry and grit their teeth in pain.