previous next

Mateo 28

Muling Nabuhay si Jesus

(Mc. 16:1-10; Lu. 24:1-12; Jn. 20:1-10)

1 Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, sa pagbubukang-liwayway nang unang araw ng sanlinggo, lumakad si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan ni Jesus. 2 Biglang lumindol nang malakas. Bumabâ mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan at umupo sa ibabaw niyon. 3 Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang kidlat at puting-puti ang kanyang damit.

4 Nanginig sa takot ang mga bantay nang makita ang anghel, at sila'y nabuwal na parang mga patay.
5 Ngunit sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. 6 Wala na siya rito sapagkat siya'y muling nabuhay gaya ng kanyang sinabi. Halikayo't tingnan ninyo ang pinaglibingan sa kanya.

7 Magmadali kayo at ibalita sa kanyang mga alagad na siya'y muling nabuhay! At papunta na siya sa Galilea. Makikita ninyo siya roon! Iyan ang balitang hatid ko sa inyo.”

8 At dali-dali nga silang umalis sa libingan na may magkahalong takot at galak, at patakbong pumunta sa mga alagad upang ibalita ang nangyari.
9 Ngunit sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Magalak kayo!” Lumapit sila sa kanya, hinawakan ang kanyang mga paa at sinamba siya.

10 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Huwag kayong matakot! Magmadali kayo't sabihin sa mga kapatid ko na pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!”

Ang Ulat ng mga Bantay


11 Pagkaalis ng mga babae, pumunta sa lunsod ang ilan sa mga kawal na nagbabantay sa libingan at isinalaysay sa mga punong pari ang buong pangyayari. 12 Nakipagpulong naman ang mga punong pari sa mga pinuno ng bayan at nagkasundo silang suhulan nang malaki ang mga kawal.

13 At ang mga ito ay inutusan nilang ganito ang ipamalita, “Habang natutulog kami kagabi, dumating ang mga alagad ni Jesus at ninakaw ang kanyang bangkay.”

14 Sinabi pa nila, “Huwag kayong mag-alala kung makarating man ito sa gobernador. Kami ang bahala!”

15 Tinanggap ng mga bantay ang suhol, at ganoon nga ang kanilang ginawa. Kaya magpahanggang ngayon ito pa rin ang balitang ipinagsasabi sa mga Judio.

Isinugo ni Jesus ang Kanyang mga Alagad

(Mc. 16:14-18; Lu. 24:36-49; Jn. 20:19-23; Gw. 1:6-8)


16 Pumuntat ang labing-isang alagad sa Galilea, sa bundok na sinabi sa kanila ni Jesus. 17 Nang makita nila si Jesus, siya'y sinamba nila, subalit may ilan sa kanilang nag-alinlangan. 18 Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya'tt habang kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

MATTHEW 28

Jesus Is Alive

(Mark 16.1-8; Luke 24.1-12; John 20.1-10)

1 The Sabbath was over, and it was almost daybreak on Sunday when Mary Magdalene and the other Mary went to see the tomb. 2 Suddenly a strong earthquake struck, and the Lord's angel came down from heaven. He rolled away the stone and sat on it. 3 The angel looked as bright as lightning, and his clothes were white as snow.

4 The guards shook from fear and fell down, as though they were dead.
5 The angel said to the women, “Don't be afraid! I know you are looking for Jesus, who was nailed to a cross. 6 He isn't here! God has raised him to life, just as Jesus said he would. Come, see the place where his body was lying.

7 Now hurry! Tell his disciples he has been raised to life and is on his way to Galilee. Go there, and you will see him. This is what I came to tell you.”
8 The women were frightened and yet very happy, as they hurried from the tomb and ran to tell his disciples. 9 Suddenly Jesus met them and greeted them. They went near him, held on to his feet, and worshiped him.

10 Then Jesus said, “Don't be afraid! Tell my followers to go to Galilee. They will see me there.”

Report of the Guard


11 While the women were on their way, some soldiers who had been guarding the tomb went into the city. They told the chief priests everything that had happened. 12 So the chief priests met with the leaders and decided to bribe the soldiers with a lot of money. 13 They said to the soldiers, “Tell everyone that Jesus' disciples came during the night and stole his body while you were asleep. 14 If the governort hears about this, we will talk to him. You won't have anything to worry about.”

15 The soldiers took the money and did what they were told. The people of Judea still tell each other this story.

What Jesus' Followers //Must Do

(Mark 16.14-18; Luke 24.36-49; John 20.19-23; Acts 1.6-8)


16  t Jesus' eleven disciples went to a mountain in Galilee, where Jesus had told them to meet him.

17 They saw him and worshiped him, but some of them doubted.

18 Jesus came to them and said:
I have been given all authority in heaven and on earth!
19 t Go to the people of all nations and make them my disciples. Baptize them in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, 20 and teach them to do everything I have told you. I will be with you always, even until the end of the world.