Mateo 28
1 Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.2 At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.3 Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:4 At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.5 At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.6 Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.7 At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.8 At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.9 At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.10 Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.11 Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.12 At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,13 Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.14 At kung ito'y dumating sa tainga ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.15 Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili hanggang sa mga araw na ito.16 Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus.17 At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
MATTHEW 28
Jesus Is Alive
(Mark 16.1-8; Luke 24.1-12; John 20.1-10)
1 The Sabbath was over, and it was almost daybreak on Sunday when Mary Magdalene and the other Mary went to see the tomb. 2 Suddenly a strong earthquake struck, and the Lord's angel came down from heaven. He rolled away the stone and sat on it. 3 The angel looked as bright as lightning, and his clothes were white as snow.
4 The guards shook from fear and fell down, as though they were dead.
5 The angel said to the women, “Don't be afraid! I know you are looking for Jesus, who was nailed to a cross. 6 He isn't here! God has raised him to life, just as Jesus said he would. Come, see the place where his body was lying.
7 Now hurry! Tell his disciples he has been raised to life and is on his way to Galilee. Go there, and you will see him. This is what I came to tell you.”
8 The women were frightened and yet very happy, as they hurried from the tomb and ran to tell his disciples. 9 Suddenly Jesus met them and greeted them. They went near him, held on to his feet, and worshiped him.
10 Then Jesus said, “Don't be afraid! Tell my followers to go to Galilee. They will see me there.”Report of the Guard
11 While the women were on their way, some soldiers who had been guarding the tomb went into the city. They told the chief priests everything that had happened. 12 So the chief priests met with the leaders and decided to bribe the soldiers with a lot of money. 13 They said to the soldiers, “Tell everyone that Jesus' disciples came during the night and stole his body while you were asleep. 14 If the governort hears about this, we will talk to him. You won't have anything to worry about.”
15 The soldiers took the money and did what they were told. The people of Judea still tell each other this story.What Jesus' Followers //Must Do
(Mark 16.14-18; Luke 24.36-49; John 20.19-23; Acts 1.6-8)
16 t Jesus' eleven disciples went to a mountain in Galilee, where Jesus had told them to meet him.
17 They saw him and worshiped him, but some of them doubted.
18 Jesus came to them and said:
I have been given all authority in heaven and on earth! 19 t Go to the people of all nations and make them my disciples. Baptize them in the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit, 20 and teach them to do everything I have told you. I will be with you always, even until the end of the world.