Mateo 6
1 Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.2 Kaya nga pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag kang tutugtog ng pakakak sa harap mo, na gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan, upang sila'y mangagkapuri sa mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.3 Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:4 Upang ang iyong paglilimos ay malihim: at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.5 At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.6 Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka.7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.8 Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya.9 Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.10 Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.12 At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.13 At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.14 Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.15 Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.16 Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.17 Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha;18 Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.19 Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na dito'y sumisira ang tanga at ang kalawang, at dito'y nanghuhukay at nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:20 Kundi mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y hindi sumisira kahit ang tanga kahit ang kalawang, at doo'y hindi nanghuhukay at hindi nagsisipagnakaw ang mga magnanakaw:21 Sapagka't kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso.22 Ang ilawan ng katawan ay ang mata: kung tapat nga ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng liwanag.23 Datapuwa't kung masama ang iyong mata, ang buong katawan mo'y mapupuspos ng kadiliman. Kaya't kung ang ilaw na sumasa iyo ay kadiliman, gaano kaya kalaki ang kadiliman!24 Sinoma'y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa: o kaya'y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.25 Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?27 At alin sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?28 At tungkol sa pananamit, bakit kayo nangababalisa? Wariin ninyo ang mga lirio sa parang, kung paanong nagsisilaki; hindi nangagpapagal, ni nangagsusulid man:29 Gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, na kahit si Salomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.30 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasa'y iginagatong sa kalan, hindi baga lalonglalo na kayong pararamtan niya, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?31 Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?32 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil; yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33 Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.34 Kaya't huwag ninyong ikabalisa ang sa araw ng bukas: sapagka't ang araw ng bukas ay mababalisa sa kaniyang sarili. Sukat na sa kaarawan ang kaniyang kasamaan.
MATTHEW 6
Giving
1 t When you do good deeds, don't try to show off. If you do, you won't get a reward from your Father in heaven.
2 When you give to the poor, don't blow a loud horn. That's what show-offs do in the synagogues and on the street corners, because they are always looking for praise. I can assure you that they already have their reward.
3 When you give to the poor, don't let anyone know about it.t
4 Then your gift will be given in secret. Your Father knows what is done in secret and will reward you.Prayer
(Luke 11.2-4)
5 t When you pray, don't be like those show-offs who love to stand up and pray in the synagogues and on the street corners. They do this just to look good. I can assure you that they already have their reward.
6 When you pray, go into a room alone and close the door. Pray to your Father in private. He knows what is done in private and will reward you.
7 t When you pray, don't talk on and on as people do who don't know God. They think God likes to hear long prayers.
8 Don't be like them. Your Father knows what you need even before you ask.
9 You should pray like this:
Our Father in heaven,
help us to honor
your name.
10 Come and set up
your kingdom,
so that everyone on earth
will obey you,
as you are obeyed
in heaven.
11 Give us our food for today.t
12 Forgive us for doing wrong,
as we forgive others.
13 Keep us from being temptedt
and protect us from evil.t
14 t t If you forgive others for the wrongs they do to you, your Father in heaven will forgive you.
15 But if you don't forgive others, your Father will not forgive your sins.Worshiping God //by Going without Eating
16 When you go without eating, t don't try to look gloomy as those show-offs do when they go without eating. I can assure you that they already have their reward. 17 t Instead, comb your hair and wash your face.
18 Then others won't know you are going without eating. But your Father sees what is done in private, and he will reward you.Treasures in Heaven
(Luke 12.33,34)
19 t Don't store up treasures on earth! Moths and rust can destroy them, and thieves can break in and steal them. 20 t Instead, store up your treasures in heaven, where moths and rust cannot destroy them, and thieves cannot break in and steal them.
21 Your heart will always be where your treasure is.Light
(Luke 11.34-36)
22 Your eyes are a window for your body. When they are good, you have all the light you need.
23 But when your eyes are bad, everything is dark. If the light inside you is dark, you surely are in the dark.Money
(Luke 16.13)
24 You cannot be the slave of two masters! You will like one more than the other or be more loyal to one than the other. You cannot serve both God and money.Worry
(Luke 12.22-31)
25 I tell you not to worry about your life. Don't worry about having something to eat, drink, or wear. Isn't life more than food or clothing?
26 Look at the birds in the sky! They don't plant or harvest. They don't even store grain in barns. Yet your Father in heaven takes care of them. Aren't you worth much more than birds?
27 Can worry make you live longer?t 28 Why worry about clothes? Look how the wild flowers grow. They don't work hard to make their clothes. 29 t But I tell you that Solomon with all his wealtht wasn't as well clothed as one of them.
30 God gives such beauty to everything that grows in the fields, even though it is here today and thrown into a fire tomorrow. God will surely do even more for you! Why do you have such little faith?
31 Don't worry and ask yourselves, “Will we have anything to eat? Will we have anything to drink? Will we have any clothes to wear?” 32 Only people who don't know God are always worrying about such things. Your Father in heaven knows you need all of these.
33 But more than anything else, put God's work first and do what he wants. Then the other things will be yours as well.
34 Don't worry about tomorrow. It will take care of itself. You have enough to worry about today.