previous next

Mga Taga-Filipos 1

1 Mulat kina Pablo at Timoteo na mga alipin ni Cristo Jesus,
Para sa mga taga-Filipos na tagasunod ni Cristo Jesus, gayundin sa mga tagapangasiwat at mga tagapaglingkod:t

2 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Panalangin ni Pablo Para sa mga Taga-Filipos


3 Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo. 4 Tuwing ipinapanalangin ko kayong lahat, ako'y laging nagagalak 5 dahil sa inyong pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita tungkol kay Cristo, mula nang ito'y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan.

6 Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.
7 Minamahal ko kayo, kaya dapat lang na pahalagahan ko kayo nang ganito at dahil magkasama tayong tumanggap ng pagpapala ng Diyos, noon pa man nang ako'y malayang nagtatanggol at nagpapalaganap ng Magandang Balita at kahit ngayong ako'y nakabilanggo.

8 Nalalaman ng Diyos na ang pananabik ko sa inyong lahat ay kagaya ng pagmamahal sa inyo ni Jesu-Cristo.
9 Idinadalangin ko sa Diyos na ang inyong pag-ibig ay patuloy na sumagana at masangkapan ng malinaw na kaalaman at pagkaunawa, 10 upang mapili ninyo ang pinakamahalaga sa lahat. Sa gayon, pagbabalik ni Cristo, matatagpuan kayong malinis, walang kapintasan,

11 at sagana sa magagandang katangiang kaloob sa inyo ni Jesu-Cristo, sa ikararangal at ikadadakila ng Diyos.

Si Cristo ang Buhay


12 Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang nangyari sa akin ay nakatulong nang malaki sa ikalalaganap ng Magandang Balita. 13 Nalamant ng mga bantay sa palasyo at ng iba pang naririto na ako'y nabilanggo dahil sa pagiging tagasunod ni Cristo.

14 At ang karamihan sa mga kapatid ay lalong tumibay sa kanilang pananalig sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo. Hindi lamang iyon, lalo pang lumakas ang kanilang loob na ipangaral ang salita.t
15 Totoo nga na may ilang nangangaral tungkol kay Cristo dahil sa pagkainggit at pagkahilig sa pakikipagtalo, ngunit mayroon din namang nangangaral nang may tapat na hangarin. 16 Si Cristo'y ipinapangaral nila dahil sa tunay na pagmamahal, sapagkat alam nilang ako'y hinirang upang ipagtanggol ang Magandang Balita. 17 Ngunit ang iba ay nangangaral nang di tapat sa kalooban, kundi dahil sa udyok ng masamang hangarin, sapagkat hangad nilang dagdagan pa ang paghihirap ko sa aking pagkakabilanggo.

18 Ngunit walang anuman sa akin ang lahat ng iyon. Ikinagagalak ko pa nga na si Cristo ay naipapangaral, maging tapat man o hindi ang hangarin ng ibang mga nangangaral.
Ang isa ko pang ikinagagalak
19 ay ang pag-asang muli akong makakalaya sa pamamagitan ng inyong mga panalangin at sa tulong ng Espiritu ni Jesu-Cristo. 20 Ang aking pinakananais at inaasahan ay ang hindi ako mapahiya sa anumang bagay; kundi sa lahat ng panahon ay buong tapang kong maparangalan si Cristo sa buhay o sa kamatayan man. 21 Sapagkat para sa akin, si Cristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang. 22 Ngunit kapag ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang din sapagkat ako'y makakagawa pa ng mabubuting bagay. Hindi ko malaman kung alin ang aking pipiliin. 23 May pagtatalo sa loob ko; gusto ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti para sa akin. 24 Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. 25 Dahil dito, natitiyak kong ako'y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa Panginoon.

26 Kung magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo ninyong pupurihin si Cristo Jesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo.
27 Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Magandang Balita ni Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makakatiyak pa rin akong kayo'y nananatili sa iisang layunin at sama-samang ipinaglalaban ang pananalig sa Magandang Balita. 28 Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y maliligtas, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng tagumpay. 29 Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. 30 Ngayon,t kasama ko na kayo sa pakikibakang nakita ninyong ginagawa ko noon, at nababalitaan ninyong ginagawa ko pa rin hanggang ngayon.

PHILIPPIANS 1

1  t From Paul and Timothy, servants of Christ Jesus.
To all God's people who belong to Christ Jesus at Philippi and to all your bishops and deacons.

2 I pray that God our Father and the Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!

Paul's Prayer for the Church //in Philippi


3 Every time I think of you, I thank my God. 4 And whenever I mention you in my prayers, it makes me happy. 5 This is because you have taken part with me in spreading the good news from the first day you heard about it.

6 God is the one who began this good work in you, and I am certain that he won't stop before it is complete on the day that Christ Jesus returns.
7 You have a special place in my heart. So it is only natural for me to feel the way I do. All of you have helped in the work God has given me, as I defend the good news and tell about it here in jail.

8 God himself knows how much I want to see you. He knows I care for you in the same way Christ Jesus does.
9 I pray that your love will keep on growing and you will fully know and understand 10 how to make the right choices. Then you will still be pure and innocent when Christ returns. And until that day,

11 Jesus Christ will keep you busy doing good deeds that bring glory and praise to God.

What Life Means to Paul


12 My dear friends, I want you to know that what has happened to me has helped to spread the good news. 13 t The Roman guards and all the others know I am here in jail because I serve Christ.

14 Now most of the Lord's followers have become brave and are fearlessly telling the message.t
15 Some are preaching about Christ because they are jealous and envious of us. Others are preaching because they want to help. 16 They love Christ and know I am here to defend the good news about him. 17 But the ones who are jealous of us are not sincere. They just want to cause trouble for me while I am in jail.

18 But that doesn't matter. All that matters is that people are telling about Christ, whether they are sincere or not. This is what makes me glad.
I will keep on being glad,
19 because I know that your prayers and the help that comes from the Spirit of Christ Jesus will keep me safe.

20 I honestly expect and hope I will never do anything to be ashamed of. Whether I live or die, I always want to be as brave as I am now and bring honor to Christ.
21 If I live, it will be for Christ, and if I die, I will gain even more. 22 I don't know what to choose. I could keep on living and doing something useful. 23 It is a hard choice to make. I want to die and be with Christ, because this would be much better. 24-25 But I know that all of you still need me. This is why I am sure I will stay on to help you grow and be happy in your faith.

26 Then, when I visit you again, you will have good reason to take great pride in Christ Jesus because of me.t

27 Above all else, you must live in a way that brings honor to the good news about Christ. Then, whether I visit you or not, I will hear that all of you think alike. I will know that you are working together and are struggling side by side to get others to believe the good news.
28 Be brave when you face your enemies. Your courage will show them that they are going to be destroyed, and it will show you that you will be saved. God will make all of this happen, 29 and he has blessed you. Not only do you have faith in Christ, but you suffer for him. 30 t You saw me suffer, and you still hear about my troubles. Now you must suffer in the same way.