Mga Taga-Filipos 1
1 Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono:2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.3 Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,4 Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,5 Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;6 Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.8 Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus.9 At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;10 Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo;11 Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio;17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo,20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.21 Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.23 Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.27 Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;29 Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
PHILIPPIANS 1
1 t From Paul and Timothy, servants of Christ Jesus.
To all God's people who belong to Christ Jesus at Philippi and to all your bishops and deacons.
2 I pray that God our Father and the Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!Paul's Prayer for the Church //in Philippi
3 Every time I think of you, I thank my God. 4 And whenever I mention you in my prayers, it makes me happy. 5 This is because you have taken part with me in spreading the good news from the first day you heard about it.
6 God is the one who began this good work in you, and I am certain that he won't stop before it is complete on the day that Christ Jesus returns.
7 You have a special place in my heart. So it is only natural for me to feel the way I do. All of you have helped in the work God has given me, as I defend the good news and tell about it here in jail.
8 God himself knows how much I want to see you. He knows I care for you in the same way Christ Jesus does.
9 I pray that your love will keep on growing and you will fully know and understand 10 how to make the right choices. Then you will still be pure and innocent when Christ returns. And until that day,
11 Jesus Christ will keep you busy doing good deeds that bring glory and praise to God.What Life Means to Paul
12 My dear friends, I want you to know that what has happened to me has helped to spread the good news. 13 t The Roman guards and all the others know I am here in jail because I serve Christ.
14 Now most of the Lord's followers have become brave and are fearlessly telling the message.t
15 Some are preaching about Christ because they are jealous and envious of us. Others are preaching because they want to help. 16 They love Christ and know I am here to defend the good news about him. 17 But the ones who are jealous of us are not sincere. They just want to cause trouble for me while I am in jail.
18 But that doesn't matter. All that matters is that people are telling about Christ, whether they are sincere or not. This is what makes me glad.
I will keep on being glad, 19 because I know that your prayers and the help that comes from the Spirit of Christ Jesus will keep me safe.
20 I honestly expect and hope I will never do anything to be ashamed of. Whether I live or die, I always want to be as brave as I am now and bring honor to Christ.
21 If I live, it will be for Christ, and if I die, I will gain even more. 22 I don't know what to choose. I could keep on living and doing something useful. 23 It is a hard choice to make. I want to die and be with Christ, because this would be much better. 24-25 But I know that all of you still need me. This is why I am sure I will stay on to help you grow and be happy in your faith.
26 Then, when I visit you again, you will have good reason to take great pride in Christ Jesus because of me.t
27 Above all else, you must live in a way that brings honor to the good news about Christ. Then, whether I visit you or not, I will hear that all of you think alike. I will know that you are working together and are struggling side by side to get others to believe the good news.
28 Be brave when you face your enemies. Your courage will show them that they are going to be destroyed, and it will show you that you will be saved. God will make all of this happen, 29 and he has blessed you. Not only do you have faith in Christ, but you suffer for him. 30 t You saw me suffer, and you still hear about my troubles. Now you must suffer in the same way.