Mga Taga-Filipos 2
Ang Halimbawa ni Cristo
1 Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, 2 lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa. 3 Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbabá, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. 4 Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.
5 Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.
6 Kahit siya'y likas at tunay na Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatilingt kapantay ng Diyos.
7 Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos,
at naging katulad ng isang alipin.
Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.
At nang si Cristo'y maging tao,
8 nagpakumbabá siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
9 At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.
10 Sat gayon, sa pangalan ni Jesus
ay luluhod at magpupuri ang lahat
ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.t
11 At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama,
ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.Maging Ulirang Anak ng Diyos
12 Kaya nga, mga minamahal, tulad ng inyong buong-pusong pagsunod noong ako'y kasama pa ninyo, lalo kayong maging masunurin ngayong ako'y malayo sa inyo. Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos,
13 sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagtutol at pagtatalo, 15 upangt kayo'y maging mga ulirang anak ng Diyos, matuwid at walang kapintasan sa gitna ng mga taong mapanlinlang at mga masasama. Sa gayon, magsisilbi kayong ilaw sa kanila, tulad ng bituing nagniningning sa kalangitan,
16 habang ibinabalita ninyo sa kanila ang mensahe na nagbibigay-buhay. Sa gayon, sa araw ng pagdating ni Cristo ay maipagmamalaki kong hindi nawalan ng kabuluhan ang aking mga pagpapagal sa inyo.
17 Kung ang buhay ko ma'y maging handog para sa inyong paglilingkod at pananampalataya sa Diyos, ako'y natutuwa at ang puso ko'y nakikigalak sa inyo.
18 Kaya magalak din kayo at bahaginan ninyo ako ng inyong kagalakan.Sina Timoteo at Epafrodito
19 Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko agad riyan si Timoteo upang mapanatag ang aking loob kapag aking malaman mula sa kanya ang inyong kalagayan. 20 Wala nang hihigit sa kanya sa pakikiisa sa aking damdamin at pagmamalasakit para sa inyong kapakanan. 21 Ang inaatupag lamang ng iba ay ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. 22 Kayo na rin ang nakakaalam sa katapatan ni Timoteo. Kasama ko siya sa pangangaral ng Magandang Balita. Tinulungan niya ako tulad ng pagtulong ng isang anak sa kanyang ama. 23 Kaya, binabalak kong papuntahin siya riyan pagkatapos kong matiyak ang magiging kalagayan ko rito.
24 Subalit ako'y umaasa, sa tulong ng Panginoon, na ako rin ay makakapunta riyan sa lalong madaling panahon.
25 Inisip kong kailangan nang pauwiin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong rin dito. 26 Sabik na sabik na siya sa inyong lahat.t Nag-aalala siya dahil sa nabalitaan ninyong nagkasakit siya.
27 Tunay ngang siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan.
28 Kaya nga, nais ko ring makauwi na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. 29 Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. 30 Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang inyong kakulangan sa akin.
PHILIPPIANS 2
True Humility
1 Christ encourages you, and his love comforts you. God's Spirit unites you, and you are concerned for others. 2 Now make me completely happy! Live in harmony by showing love for each other. Be united in what you think, as if you were only one person. 3 Don't be jealous or proud, but be humble and consider others more important than yourselves. 4 Care about them as much as you care about yourselves
5 and think the same way that Christ Jesus thought:t
6 Christ was truly God.
But he did not try to remaint
equal with God.
7 Instead he gave up everythingt
and became a slave,
when he became
like one of us.
8 Christ was humble.
He obeyed God and even died
on a cross.
9 Then God gave Christ
the highest place
and honored his name
above all others.
10 t So at the name of Jesus
everyone will bow down,
those in heaven, on earth,
and under the earth.
11 And to the glory
of God the Father
everyone will openly agree,
“Jesus Christ is Lord!”Lights in the World
12 My dear friends, you always obeyed when I was with you. Now that I am away, you should obey even more. So work with fear and trembling to discover what it really means to be saved.
13 God is working in you to make you willing and able to obey him.
14 Do everything without grumbling or arguing. 15 t Then you will be the pure and innocent children of God. You live among people who are crooked and evil, but you must not do anything they can say is wrong. Try to shine as lights among the people of this world,
16 as you hold firmly tot the message that gives life. Then on the day when Christ returns, I can take pride in you. I can also know that my work and efforts were not useless.
17 Your faith in the Lord and your service are like a sacrifice offered to him. And my own blood may have to be poured out with the sacrifice.t If this happens, I will be glad and rejoice with you.
18 In the same way, you should be glad and rejoice with me.Timothy and Epaphroditus
19 I want to be encouraged by news about you. So I hope the Lord Jesus will soon let me send Timothy to you. 20 I don't have anyone else who cares about you as much as he does. 21 The others think only about what interests them and not about what concerns Christ Jesus. 22 But you know what kind of person Timothy is. He has worked with me like a son in spreading the good news. 23 I hope to send him to you, as soon as I find out what is going to happen to me.
24 And I feel sure the Lord will also let me come soon.
25 I think I ought to send my dear friend Epaphroditus back to you. He is a follower and a worker and a soldier of the Lord, just as I am. You sent him to look after me, 26 but now he is eager to see you. He is worried, because you heard he was sick.
27 In fact, he was very sick and almost died. But God was kind to him, and also to me, and he kept me from being burdened down with sorrow.
28 Now I am more eager than ever to send Epaphroditus back again. You will be glad to see him, and I won't have to worry any longer. 29 Be sure to give him a cheerful welcome, just as people who serve the Lord deserve. 30 He almost died working for Christ, and he risked his own life to do for me what you could not.