previous next

Mga Taga-Filipos 2

1 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag,2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;13 Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,16 Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.17 Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.21 Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.22 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.23 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:24 Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.25 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:27 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.28 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:30 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.

PHILIPPIANS 2

True Humility

1 Christ encourages you, and his love comforts you. God's Spirit unites you, and you are concerned for others. 2 Now make me completely happy! Live in harmony by showing love for each other. Be united in what you think, as if you were only one person. 3 Don't be jealous or proud, but be humble and consider others more important than yourselves. 4 Care about them as much as you care about yourselves

5 and think the same way that Christ Jesus thought:t

6 Christ was truly God.
But he did not try to remaint
equal with God.

7 Instead he gave up everythingt
and became a slave,
when he became
like one of us.

8 Christ was humble.
He obeyed God and even died
on a cross.

9 Then God gave Christ
the highest place
and honored his name
above all others.

10  t So at the name of Jesus
everyone will bow down,
those in heaven, on earth,
and under the earth.

11 And to the glory
of God the Father
everyone will openly agree,
“Jesus Christ is Lord!”

Lights in the World


12 My dear friends, you always obeyed when I was with you. Now that I am away, you should obey even more. So work with fear and trembling to discover what it really means to be saved.

13 God is working in you to make you willing and able to obey him.
14 Do everything without grumbling or arguing. 15 t Then you will be the pure and innocent children of God. You live among people who are crooked and evil, but you must not do anything they can say is wrong. Try to shine as lights among the people of this world,

16 as you hold firmly tot the message that gives life. Then on the day when Christ returns, I can take pride in you. I can also know that my work and efforts were not useless.
17 Your faith in the Lord and your service are like a sacrifice offered to him. And my own blood may have to be poured out with the sacrifice.t If this happens, I will be glad and rejoice with you.

18 In the same way, you should be glad and rejoice with me.

Timothy and Epaphroditus


19 I want to be encouraged by news about you. So I hope the Lord Jesus will soon let me send Timothy to you. 20 I don't have anyone else who cares about you as much as he does. 21 The others think only about what interests them and not about what concerns Christ Jesus. 22 But you know what kind of person Timothy is. He has worked with me like a son in spreading the good news. 23 I hope to send him to you, as soon as I find out what is going to happen to me.

24 And I feel sure the Lord will also let me come soon.
25 I think I ought to send my dear friend Epaphroditus back to you. He is a follower and a worker and a soldier of the Lord, just as I am. You sent him to look after me, 26 but now he is eager to see you. He is worried, because you heard he was sick.

27 In fact, he was very sick and almost died. But God was kind to him, and also to me, and he kept me from being burdened down with sorrow.
28 Now I am more eager than ever to send Epaphroditus back again. You will be glad to see him, and I won't have to worry any longer. 29 Be sure to give him a cheerful welcome, just as people who serve the Lord deserve. 30 He almost died working for Christ, and he risked his own life to do for me what you could not.