Mga Taga-Filipos 3
Ang Tunay na Pagiging Matuwid
1 Sa wakas, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi kaabalahan para sa akin na ulitin ang naisulat ko na, dahil ito naman ay para malayo kayo sa kapahamakan.
2 Mag-ingat kayo sa mga taong asal-aso, sa mga taong mahilig sa paggawa ng masama. Sila'y mga taong naghihiwa ng kanilang katawan.
3 Tayo ang tumanggap ng tunay na pagtutuli, tayong mga sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Ang ipinagmamalaki natin ay ang ating buhay kay Cristo Jesus. Hindi tayo umaasa sa mga panlabas na seremonya.
4 Ang totoo, ako'y may sapat na dahilan upang panghawakan ang mga panlabas na seremonya. Kung iniisip ninuman na siya'y may katuwirang umasa sa ganitong gawain, lalo na ako. 5 Ako'yt tinuli nang ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin at katutubong Hebreo. Kung pagsunod naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo.
6 Dahilt sa masugid kong pagsunod sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kaya't kung sa pagiging matuwid ayon sa Kautusan, wala ring maisusumbat sa akin.
7 Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon. 8 Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan, makamtan ko lamang si Cristo 9 at lubusang makasama niya. Ang aking pagiging matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. 10 Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan
11 upang ako man ay muling buhayin mula sa mga patay.Magpatuloy Tungo sa Hangganan
12 Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi rin sa ako'y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako'y tinawag ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan.
14 Nagpapatuloy nga ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na hahantong sa langit.
15 Ganyan ang dapat maging kaisipan nating mga matatag na sa pananampalataya. Kung hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo ng Diyos.
16 Ang mahalaga ay ipagpatuloy natin ang ating natutuhan.
17 Mgat kapatid, tumulad kayo sa halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. 18 Tulad ng malimit kong sabihin sa inyo, at ngayo'y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga bagay na makalupa. 20 Subalit sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Doon magmumula ang Tagapagligtas na hinihintay natin nang may pananabik, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21 Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may kahinaan ay babaguhin niya upang maging maluwalhating tulad ng kanyang katawan.
PHILIPPIANS 3
Being Acceptable to God
1 Finally, my dear friends, be glad that you belong to the Lord. It doesn't bother me to write the same things to you that I have written before. In fact, it is for your own good.
2 Watch out for those people who behave like dogs! They are evil and want to do more than just circumcise you. 3 But we are the ones who are truly circumcised, because we worship by the power of God's Spiritt and take pride in Christ Jesus. We don't brag about what we have done, 4 although I could. Others may brag about themselves, but I have more reason to brag than anyone else. 5 t I was circumcised when I was eight days old, t and I am from the nation of Israel and the tribe of Benjamin. I am a true Hebrew. As a Pharisee, I strictly obeyed the Law of Moses.
6 t And I was so eager I even made trouble for the church. I did everything the Law demands in order to please God.
7 But Christ has shown me that what I once thought was valuable is worthless. 8 Nothing is as wonderful as knowing Christ Jesus my Lord. I have given up everything else and count it all as garbage. All I want is Christ 9 and to know that I belong to him. I could not make myself acceptable to God by obeying the Law of Moses. God accepted me simply because of my faith in Christ. 10 All I want is to know Christ and the power that raised him to life. I want to suffer and die as he did,
11 so that somehow I also may be raised to life.Running toward the Goal
12 I have not yet reached my goal, and I am not perfect. But Christ has taken hold of me. So I keep on running and struggling to take hold of the prize. 13 My friends, I don't feel I have already arrived. But I forget what is behind, and I struggle for what is ahead. 14 I run toward the goal, so I can win the prize of being called to heaven. This is the prize God offers because of what Christ Jesus has done. 15 All of us who are mature should think in this same way. And if any of you think differently, God will make it clear to you.
16 But we must keep going in the direction that we are now headed.
17 t My friends, I want you to follow my example and learn from others who closely follow the example we set for you. 18 I often warned you that many people are living as enemies of the cross of Christ. And now with tears in my eyes, I warn you again
19 that they are headed for hell! They worship their stomachs and brag about the disgusting things they do. All they can think about are the things of this world.
20 But we are citizens of heaven and are eagerly waiting for our Savior to come from there. Our Lord Jesus Christ 21 t has power over everything, and he will make these poor bodies of ours like his own glorious body.