previous next

Pahayag 12

Ang Babae at ang Dragon

1 Kasunod nito'y lumitaw sa langit ang isang kakaibang palatandaan; isang babaing nadaramtan ng araw at nakatuntong sa buwan: ang ulo niya'y may koronang binubuo ng labindalawang bituin.

2 Malapit na siyang manganak kaya't napapasigaw siya dahil sa matinding hirap.
3 Isat pang palatandaan ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito'y may pitong ulo at sampung sungay, at may korona ang bawat ulo. 4 Kinaladkadt ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos, tumayo siya sa paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito'y isilang. 5 Angt babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng tungkod na bakal.

6 Ang babae naman ay tumakas papunta sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
7 Pagkaraant nito'y nagkaroon ng digmaan sa langit! Pinamunuan ni Miguel ang kanyang mga anghel sa pakikipaglaban sa dragon at sa mga kampon nito. 8 Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit.

9 Itinapont ang dambuhalang dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.

10 Att narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi,
“Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.
11 Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.

12 Kaya't magalak ang kalangitan at lahat ng naninirahan diyan! Ngunit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat, sapagkat ang matinding poot ng diyablo ay babagsak sa inyo! Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kanya.”
13 Nang makita ng dragon na itinapon siya sa lupa, hinabol niya ang babaing nagsilang ng sanggol na lalaki. 14 Ngunitt ang babae ay binigyan ng mga pakpak ng malaking agila upang makalipad papunta sa ilang. Doon siya itatago sa loob ng tatlo't kalahating taon upang maligtas sa pananalakay ng ahas. 15 Kaya't ang ahas ay nagbuga ng tubig na parang ilog upang tangayin ang babae. 16 Subalit bumuka ang lupa at hinigop ang tubig na ibinuga ng dragon, kaya't naligtas ang babae. 17 Sa galit ng dragon, binalingan niya ang nalalabing lahi ng babae upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus. 18 At ang dragon ay tumayot sa dalampasigan.

REVELATION 12

The Woman and the Dragon

1 Something important appeared in the sky. It was a woman whose clothes were the sun. The moon was under her feet, and a crown made of twelve stars was on her head.

2 She was about to give birth, and she was crying because of the great pain.
3  t Something else appeared in the sky. It was a huge red dragon with seven heads and ten horns, and a crown on each of its seven heads.

4 t With its tail, it dragged a third of the stars from the sky and threw them down to the earth. Then the dragon turned toward the woman, because it wanted to eat her child as soon as it was born.
5  t The woman gave birth to a son, who would rule all nations with an iron rod. The boy was snatched away. He was taken to God and placed on his throne.

6 The woman ran into the desert to a place that God had prepared for her. There she would be taken care of for 1,260 days.

Michael Fights the Dragon


7  t A war broke out in heaven. Michael and his angels were fighting against the dragon and its angels. 8 But the dragon lost the battle. It and its angels were forced out of their places in heaven 9 t and were thrown down to the earth. Yes, that old snake and his angels were thrown out of heaven! That snake, who fools everyone on earth, is known as the devil and Satan.

10 t Then I heard a voice from heaven shout,
“Our God has shown
his saving power,
and his kingdom has come!
God's own Chosen One
has shown his authority.
Satan accused our people
in the presence of God
day and night.
Now he has been thrown out!

11 “Our people defeated Satan
because of the bloodt
of the Lamb
and the message of God.
They were willing
to give up their lives.

12 “The heavens should rejoice,
together with everyone
who lives there.
But pity the earth
and the sea,
because the devil
was thrown down
to the earth.
He knows his time is short,
and he is very angry.”
13 When the dragon realized it had been thrown down to the earth, it tried to make trouble for the woman who had given birth to a son.

14 t But the woman was given two wings like those of a huge eagle, so she could fly into the desert. There she would escape from the snake and be taken care of for a time, two times, and half a time.
15 The snake then spewed out water like a river to sweep the woman away. 16 But the earth helped her and swallowed the water that had come from the dragon's mouth. 17 This made the dragon terribly angry with the woman. So it started a war against the rest of her children. They are the people who obey God and are faithful to what Jesus did and taught. 18 The dragont stood on the beach beside the sea.