Pahayag 2
Ang Mensahe Para sa Iglesya sa Efeso
1 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Efeso:
“Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kanyang kanang kamay at lumalakad sa gitna ng pitong ilawang ginto. 2 Nalalaman ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapakahirap at pagtitiyaga. Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasama. Sinubok mo ang mga huwad na apostol, at napatunayan mong sila'y nagsisinungaling. 3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko. 4 Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: ang pag-ibig mo noong una kang sumampalataya ay nanlalamig na. 5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.
6 Ngunit ito naman ang napupuri ko sa iyo; kinapopootan mo ring tulad ko ang mga ginagawa ng mga Nicolaita.
7 “Angt lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos.”Ang Mensahe Para sa Iglesya sa Esmirna
8 “Isulatt mo sa anghel ng iglesya sa Esmirna:
“Ito ang ipinapasabi sa iyo ng simula at wakas, ang namatay at muling nabuhay. 9 Nalalaman ko ang mga kapighatian na dinaranas mo. Alam kong mahirap ka, ngunit ang totoo'y mayaman ka. Nalalaman ko rin ang mga paninirang-puri sa iyo ng mga hindi tunay na Judio; ngunit ang totoo, sila'y mga kampon ni Satanas.
10 Huwag kang matakot sa mga pag-uusig na malapit mo nang danasin. Makinig ka! Ipabibilanggo ng diyablo ang ilan sa inyo bilang pagsubok; magtitiis kayo sa loob ng sampung araw. Manatili kang tapat hanggang kamatayan, at gagantimpalaan kita ng korona ng buhay.
11 “Angt lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay hindi makakaranas ng pangalawang kamatayan.”Ang Mensahe Para sa Iglesya sa Pergamo
12 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo:
“Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. 13 Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas. 14 Subalitt may hinanakit ako sa iyo: may ilan sa inyo na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. 15 May ilan din sa inyong sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita.
16 Kaya magsisi na kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan! Kung hindi, pupunta ako diyan sa lalong madaling panahon at pupuksain ko ang mga taong iyon sa pamamagitan ng tabak na lumalabas sa aking bibig.
17 “Angt lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
“Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng nakatagong manna. Bibigyan ko rin siya ng batong puti na kinasusulatan ng isang bagong pangalan, na walang sinumang nakakaalam maliban sa tatanggap niyon.”Ang Mensahe Para sa Iglesya sa Tiatira
18 “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Tiatira:
“Ito ang ipinapasabi ng Anak ng Diyos na may mga matang parang apoy na nagliliyab at mga paang kumikinang na parang tansong pinakintab. 19 Nalalaman ko ang mga ginagawa mo: ang iyong pag-ibig, katapatan, paglilingkod at pagtitiyaga. Nalalaman kong ang mga ginagawa mo ngayon ay higit kaysa noong una. 20 Ngunitt ito ang masasabi ko laban sa iyo: pinapayagan mo si Jezebel, ang babaing nagpapanggap na propeta, na turuan at linlangin ang aking mga lingkod upang makiapid at kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. 21 Binigyan ko siya ng sapat na panahon upang pagsisihan at talikuran ang kanyang pakikiapid, ngunit ayaw niya. 22 Kaya nga magkakasakit siya nang malubha, pati ang mga kasama niya sa pangangalunya. Daranas sila ng matinding kapighatian kung hindi nila pagsisisihan at tatalikuran ang kahalayang ginawa nila sa piling ng babaing iyan.
23 Papatayint ko rin ang kanyang mga tagasunod upang malaman ng mga iglesya na ako ang nakakaalam sa puso't isip ng mga tao. Gagantimpalaan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga gawa.
24 “Ngunit para sa ibang mga taga-Tiatira, na hindi nakinig sa masasamang katuruan ni Jezebel at hindi natuto ng tinatawag na ‘malalalim na lihim ni Satanas,’ ito ang sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo bibigyan ng pasanin, 25 ngunit dapat kayong manatiling tapat sa akin hanggang ako'y dumating. 26 Sat magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa. 27 Mamamahala siya sa pamamagitan ng tungkod na bakal at dudurugin niya ang mga bansa na parang mga palayok.
28 Ibinibigay ko ito kung paanong ibinigay ito sa akin ng Ama. Ibibigay ko rin sa mga magtatagumpay ang bituin sa umaga.
29 “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!”
REVELATION 2
The Letter to Ephesus
1 This is what you must write to the angel of the church in Ephesus:
I am the one who holds the seven stars in my right hand, and I walk among the seven gold lampstands. Listen to what I say.
2 I know everything you have done, including your hard work and how you have endured. I know you won't put up with anyone who is evil. When some people pretended to be apostles, you tested them and found out they were liars.
3 You have endured and gone through hard times because of me, yet you have not given up.
4 But I do have something against you! And it is this: You don't have as much love as you used to. 5 Think about where you have fallen from, and then turn back and do as you did at first. If you don't turn back, I will come and take away your lampstand.
6 But there is one thing you are doing right. You hate what the Nicolaitanst are doing, and so do I.
7 t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. I will let everyone who wins the victory eat from the life-giving tree in God's wonderful garden.The Letter to Smyrna
8 t This is what you must write to the angel of the church in Smyrna:
I am the first and the last. I died, but now I am alive! Listen to what I say.
9 I know how much you suffer and how poor you are, but you are rich. I also know the cruel things being said about you by people who claim to be God's people. But they are not really God's people. They are a group that belongs to Satan.
10 Don't worry about what you will suffer. The devil will throw some of you into jail, and you will be tested and made to suffer for ten days. But if you are faithful until you die, I will reward you with a glorious life.t
11 t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. Whoever wins the victory will not be hurt by the second death.tThe Letter to Pergamum
12 This is what you must write to the angel of the church in Pergamum:
I am the one who has the sharp double-edged sword! Listen to what I say.
13 I know you live where Satan has his throne.t But you have kept true to my name. Right there where Satan lives, my faithful witness Antipast was taken from you and put to death. Even then you did not give up your faith in me.
14 t I do have a few things against you. Some of you are following the teaching of Balaam.t Long ago he told Balak to teach the people of Israel to eat food that had been offered to idols and to be immoral. 15 Now some of you are following the teaching of the Nicolaitans.t
16 Turn back! If you don't, I will come quickly and fight against these people. And my words will cut like a sword.
17 t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. To everyone who wins the victory, I will give some of the hidden food.t I will also give each one a white stonet with a new namet written on it. No one will know that name except the one who is given the stone.The Letter to Thyatira
18 This is what you must write to the angel of the church in Thyatira:
I am the Son of God! My eyes are like flames of fire, and my feet are like bronze. Listen to what I say.
19 I know everything about you, including your love, your faith, your service, and how you have endured. I know you are doing more now than you have ever done before. 20 t But I still have something against you because of that woman Jezebel.t She calls herself a prophet, and you let her teach and mislead my servants to do immoral things and to eat food offered to idols.
21 I gave her a chance to turn from her sins, but she did not want to stop doing these immoral things.
22 I am going to strike down Jezebel. Everyone who does these immoral things with her will also be punished, if they don't stop.
23 t I will even kill her followers.t Then all the churches will see that I know everyone's thoughts and feelings. I will treat each of you as you deserve.
24 Some of you in Thyatira don't follow Jezebel's teaching. You don't know anything about what her followers call the “deep secrets of Satan.” So I won't burden you down with any other commands.
25 But until I come, you must hold firmly to the teaching you have.
26 t I will give power over the nations to everyone who wins the victory and keeps on obeying me until the end.
27-28 I will give each of them the same power my Father has given me. They will rule the nations with an iron rod and smash those nations to pieces like clay pots. I will also give them the morning star.t
29 If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches.