previous next

Apocalipsis 2

1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:2 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;3 At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.4 Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig.5 Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.6 Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.7 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios.8 At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, na namatay, at muling nabuhay:9 Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan.12 At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim:13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid.15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita.16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.18 At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.20 Datapuwa't mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.21 At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako'y pumariyan.26 At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:28 At sa kaniya'y ibibigay ko ang tala sa umaga.29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

REVELATION 2

The Letter to Ephesus

1 This is what you must write to the angel of the church in Ephesus:
I am the one who holds the seven stars in my right hand, and I walk among the seven gold lampstands. Listen to what I say.
2 I know everything you have done, including your hard work and how you have endured. I know you won't put up with anyone who is evil. When some people pretended to be apostles, you tested them and found out they were liars.

3 You have endured and gone through hard times because of me, yet you have not given up.
4 But I do have something against you! And it is this: You don't have as much love as you used to. 5 Think about where you have fallen from, and then turn back and do as you did at first. If you don't turn back, I will come and take away your lampstand.

6 But there is one thing you are doing right. You hate what the Nicolaitanst are doing, and so do I.

7  t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. I will let everyone who wins the victory eat from the life-giving tree in God's wonderful garden.

The Letter to Smyrna


8  t This is what you must write to the angel of the church in Smyrna:
I am the first and the last. I died, but now I am alive! Listen to what I say.

9 I know how much you suffer and how poor you are, but you are rich. I also know the cruel things being said about you by people who claim to be God's people. But they are not really God's people. They are a group that belongs to Satan.

10 Don't worry about what you will suffer. The devil will throw some of you into jail, and you will be tested and made to suffer for ten days. But if you are faithful until you die, I will reward you with a glorious life.t

11  t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. Whoever wins the victory will not be hurt by the second death.t

The Letter to Pergamum


12 This is what you must write to the angel of the church in Pergamum:
I am the one who has the sharp double-edged sword! Listen to what I say.

13 I know you live where Satan has his throne.t But you have kept true to my name. Right there where Satan lives, my faithful witness Antipast was taken from you and put to death. Even then you did not give up your faith in me.
14  t I do have a few things against you. Some of you are following the teaching of Balaam.t Long ago he told Balak to teach the people of Israel to eat food that had been offered to idols and to be immoral. 15 Now some of you are following the teaching of the Nicolaitans.t

16 Turn back! If you don't, I will come quickly and fight against these people. And my words will cut like a sword.

17  t If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches. To everyone who wins the victory, I will give some of the hidden food.t I will also give each one a white stonet with a new namet written on it. No one will know that name except the one who is given the stone.

The Letter to Thyatira


18 This is what you must write to the angel of the church in Thyatira:
I am the Son of God! My eyes are like flames of fire, and my feet are like bronze. Listen to what I say.
19 I know everything about you, including your love, your faith, your service, and how you have endured. I know you are doing more now than you have ever done before. 20 t But I still have something against you because of that woman Jezebel.t She calls herself a prophet, and you let her teach and mislead my servants to do immoral things and to eat food offered to idols.

21 I gave her a chance to turn from her sins, but she did not want to stop doing these immoral things.
22 I am going to strike down Jezebel. Everyone who does these immoral things with her will also be punished, if they don't stop.

23 t I will even kill her followers.t Then all the churches will see that I know everyone's thoughts and feelings. I will treat each of you as you deserve.
24 Some of you in Thyatira don't follow Jezebel's teaching. You don't know anything about what her followers call the “deep secrets of Satan.” So I won't burden you down with any other commands.

25 But until I come, you must hold firmly to the teaching you have.
26  t I will give power over the nations to everyone who wins the victory and keeps on obeying me until the end.

27-28 I will give each of them the same power my Father has given me. They will rule the nations with an iron rod and smash those nations to pieces like clay pots. I will also give them the morning star.t
29 If you have ears, listen to what the Spirit says to the churches.