previous next

Pahayag 20

Ang Sanlibong Taon

1 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng bangin na walang kasing-lalim. 2 Sinunggabant niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon.

3 Ito'y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga't hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito'y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
4 Att nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay bubuhayin din pagkaraan ng sanlibong taon.

6 Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.

Ang Pagkatalo ni Satanas


7 Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. 8 Lalabast siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 9 Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas.

10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa dagat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.

Ang Huling Paghuhukom


11 Pagkatapost nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. 15 Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.

REVELATION 20

The Thousand Years

1 I saw an angel come down from heaven, carrying the key to the deep pit and a big chain. 2 t He chained the dragon for 1,000 years. It is that old snake, who is also known as the devil and Satan.

3 Then the angel threw the dragon into the pit. He locked and sealed it, so 1,000 years would go by before the dragon could fool the nations again. But after that, it would have to be set free for a little while.

4  t I saw thrones, and sitting on those thrones were the ones who had been given the right to judge. I also saw the souls of the people who had their heads cut off because they had told about Jesus and preached God's message. They were the same ones who had not worshiped the beast or the idol, and they had refused to let its mark be put on their foreheads or hands. They will come to life and rule with Christ for 1,000 years.

5-6 These people are the first to be raised to life, and they are especially blessed and holy. The second deatht has no power over them. They will be priests for God and Christ and will rule with them for 1,000 years.
No other dead people were raised to life until 1,000 years later.

Satan Is Defeated


7 At the end of the 1,000 years, Satan will be set free. 8 t He will fool the countries of Gog and Magog, which are at the far ends of the earth, and their people will follow him into battle. They will have as many followers as there are grains of sand along the beach, 9 and they will march all the way across the earth. They will surround the camp of God's people and the city God loves. But fire will come down from heaven and destroy the whole army.

10 Then the devil who fooled them will be thrown into the lake of fire and burning sulfur. He will be there with the beast and the false prophet, and they will be in pain day and night forever and ever.

The Judgment //at the Great White Throne


11  t I saw a great white throne with someone sitting on it. Earth and heaven tried to run away, but there was no place for them to go.

12 t I also saw all the dead people standing in front of that throne. Every one of them was there, no matter who they had once been. Several books were opened, and then the book of lifet was opened. The dead were judged by what those books said they had done.
13 The sea gave up the dead people who were in it, and death and its kingdom also gave up their dead. Then everyone was judged by what they had done. 14 Afterwards, death and its kingdom were thrown into the lake of fire. This is the second death.t 15 Anyone whose name wasn't written in the book of life was thrown into the lake of fire.