previous next

Apocalipsis 21

1 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.2 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:4 At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.5 At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka't ang mga salitang ito ay tapat at tunay.6 At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.7 Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Dios niya, at siya'y magiging anak ko.8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.9 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.10 At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios,11 Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin:12 Na may isang malaki at mataas na kuta; na may labingdalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel:13 Sa silanganan ay may tatlong pintuan; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan; at sa timugan ay may tatlong pintuan; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.14 At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan, at sa mga ito'y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero.15 At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.16 At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.17 At sinukat niya ang kuta nito, ay isang daan at apat na pu't apat na siko, ayon sa sukat ng tao, sa makatuwid baga'y ng isang anghel.18 At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.19 Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista.21 At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.22 At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon.23 At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero.24 At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon.25 At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi):26 At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa:27 At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.

REVELATION 21

The New Heaven and //the New Earth

1  t I saw a new heaven and a new earth. The first heaven and the first earth had disappeared, and so had the sea.

2 t Then I saw New Jerusalem, the holy city, coming down from God in heaven. It was like a bride dressed in her wedding gown and ready to meet her husband.

3  t I heard a loud voice shout from the throne:
God's home is now with his people. He will live with them, and they will be his own. Yes, God will make his home among his people.

4 t He will wipe all tears from their eyes, and there will be no more death, suffering, crying, or pain. These things of the past are gone forever.

5 Then the one sitting on the throne said:
I am making everything new. Write down what I have said. My words are true and can be trusted.
6 t Everything is finished! I am Alpha and Omega, t the beginning and the end. I will freely give water from the life-giving fountain to everyone who is thirsty.

7 t All who win the victory will be given these blessings. I will be their God, and they will be my people.

8 But I will tell you what will happen to cowards and to everyone who is unfaithful or dirty-minded or who murders or is sexually immoral or uses witchcraft or worships idols or tells lies. They will be thrown into that lake of fire and burning sulfur. This is the second death.t

The New Jerusalem


9 I saw one of the seven angels who had the bowls filled with the seven last terrible troubles. The angel came to me and said, “Come on! I will show you the one who will be the bride and wife of the Lamb.”

10 t Then with the help of the Spirit, he took me to the top of a very high mountain. There he showed me the holy city of Jerusalem coming down from God in heaven.
11 The glory of God made the city bright. It was dazzling and crystal clear like a precious jasper stone. 12 t The city had a high and thick wall with twelve gates, and each one of them was guarded by an angel. On each of the gates was written the name of one of the twelve tribes of Israel. 13 Three of these gates were on the east, three were on the north, three more were on the south, and the other three were on the west.

14 The city was built on twelve foundation stones. On each of the stones was written the name of one of the Lamb's twelve apostles.
15  t The angel who spoke to me had a gold measuring stick to measure the city and its gates and its walls. 16 The city was shaped like a cube, because it was just as high as it was wide. When the angel measured the city, it was about 2,400 kilometers high and 2,400 kilometers wide.

17 Then the angel measured the wall, and by our measurements it was about 60 meters high.
18  t t The wall was built of jasper, and the city was made of pure gold, clear as crystal. 19 Each of the twelve foundations was a precious stone. The first was jasper, t the second was sapphire, the third was agate, the fourth was emerald, 20 the fifth was onyx, the sixth was carnelian, the seventh was chrysolite, the eighth was beryl, the ninth was topaz, the tenth was chrysoprase, the eleventh was jacinth, and the twelfth was amethyst.

21 Each of the twelve gates was a solid pearl. The streets of the city were made of pure gold, clear as crystal.
22 I did not see a temple there. The Lord God All-Powerful and the Lamb were its temple.

23 t And the city did not need the sun or the moon. The glory of God was shining on it, and the Lamb was its light.
24  t Nations will walk by the light of that city, and kings will bring their riches there. 25 t Its gates are always open during the day, and night never comes. 26 The glorious treasures of nations will be brought into the city. 27 t But nothing unworthy will be allowed to enter. No one who is dirty-minded or who tells lies will be there. Only those whose names are written in the Lamb's book of lifet will be in the city.