previous next

Pahayag 4

Pananambahan sa Langit

1 Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukás na pinto.
At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, “Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito.”
2 Att agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon. 3 Ang anyo niya'y maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono. 4 Nakapaligid naman dito ang dalawampu't apat pang trono na sa bawat isa'y may nakaupong isang pinuno na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo. 5 Mulat sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos.

6 Sat t harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal.
Sa apat na panig ng trono ay may apat na buháy na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod.
7 Ang unang buháy na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat.

8 Angt bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi,
“Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating.”
9 Tuwing umaawit ng papuri, parangal at pasasalamat ang apat na buháy na nilalang sa nakaupo sa trono, na nabubuhay magpakailanman,

10 ang dalawampu't apat na pinuno naman ay nagpapatirapa sa harap ng trono at sinasamba ang nakaupo doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabi,

11 “Aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan;
sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay,
at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili.”

REVELATION 4

Worship in Heaven

1 After this, I looked and saw a door that opened into heaven. Then the voice that had spoken to me at first and that sounded like a trumpet said, “Come up here! I will show you what must happen next.” 2 t Right then the Spirit took control of me, and there in heaven I saw a throne and someone sitting on it.

3 The one who was sitting there sparkled like precious stones of jaspert and carnelian.t A rainbow that looked like an emeraldt surrounded the throne.
4 Twenty-four other thrones were in a circle around that throne. And on each of these thrones there was an elder dressed in white clothes and wearing a gold crown. 5 t Flashes of lightning and roars of thunder came out from the throne in the center of the circle. Seven torches, which are the seven spirits of God, were burning in front of the throne.

6 t t Also in front of the throne was something that looked like a glass sea, clear as crystal.
Around the throne in the center were four living creatures covered front and back with eyes.
7 The first creature was like a lion, the second one was like a bull, the third one had the face of a human, and the fourth was like a flying eagle.

8 t Each of the four living creatures had six wings, and their bodies were covered with eyes. Day and night they never stopped singing,
“Holy, holy, holy is the Lord,
the all-powerful God,
who was and is
and is coming!”
9 The living creatures kept praising, honoring, and thanking the one who sits on the throne and who lives forever and ever.

10 At the same time the 24 elders knelt down before the one sitting on the throne. And as they worshiped the one who lives forever, they placed their crowns in front of the throne and said,

11  t “Our Lord and God,
you are worthy
to receive glory,
honor, and power.
You created all things,
and by your decision they are
and were created.”