Mga Taga-Roma 1
1 Mula kay Pablo na isang alipin ni Jesu-Cristo, tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral ng Magandang Balita ng Diyos.
2 Ang Magandang Balitang ito na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, 3-4 ay tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo. Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa lahi ni David. At tungkol naman sa Espiritu ng kabanalan, ipinahayag siya bilang Anak ng Diyos sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang kanyang muling pagkabuhay. 5 Sa pamamagitan niya, tinanggap namin sa Diyos ang kaloob na maging apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay akayin sa pananampalataya at pagsunod sa kanya.
6 Kayo'y kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-Cristo.
7 Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.Ang Pagnanais ni Pablo na Dumalaw sa Roma
8 Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig. 9 Saksi ko ang Diyos, na pinaglilingkuran ko nang buong puso sa pamamagitan ng aking pangangaral ng Magandang Balita tungkol sa kanyang Anak, na lagi ko kayong idinadalangin. 10 Lagi kong hinihiling na loobin nawa niyang ako'y makapunta riyan sa inyo. 11 Nananabik akong makita kayo upang maibahagi sa inyo ang mga kaloob ng Espiritu sa ikatatatag ninyo.
12 Ang ibig kong sabihi'y upang magkatulungan tayo sa ikalalakas ng bawat isa sa atin sa pamamagitan ng ating pananalig sa Diyos.
13 Mgat kapatid, nais kong malaman ninyo na ilang ulit ko nang binalak na pumunta riyan, ngunit laging may nagiging hadlang. Nais kong makahikayat din diyan ng mga sasampalataya kay Cristo, tulad ng nagawa ko na sa ibang mga bansang Hentil. 14 May pananagutan ako sa lahat: sa mga sibilisado at sa mga barbaro, sa marurunong at sa mga mangmang.
15 Kaya nga, nais ko ring ipangaral diyan sa Roma ang Magandang Balita.Ang Kapangyarihan ng Magandang Balita
16 Hindit ko ikinahihiya ang Magandang Balita, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat sumasampalataya, una'y sa mga Judio at gayundin sa mga Griego.
17 Sapagkatt ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, “Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”tMga Kasalanan ng Sangkatauhan
18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong dahil mismo sa kanilang kasamaan ay hinahadlangan ang katotohanan. 19 Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag, dahil iyon ay ipinapahayag sa kanila ng Diyos. 20 Mulat pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa. 21 Kahitt na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. 22 Sila'y nagmamarunong ngunit lumitaw na sila'y mga hangal.
23 Tinalikurant nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang.
24 Kaya't hinayaan na sila ng Diyos sa kanilang maruruming pagnanasa hanggang sa hindi na nila mapigil ang paggawa ng kahalayan sa isa't isa.
25 Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen.
26 Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan.
27 Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
28 Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa masasamang pag-iisip at sa mga gawaing kasuklam-suklam. 29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan,t kasakiman, masasamang isip, pagkainggit, pagpatay, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahihilig sa tsismis, 30 mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos,t walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. 31 Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa. 32 Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon.
ROMANS 1
1 From Paul, a servant of Christ Jesus.
God chose me to be an apostle, and he appointed me to preach the good news 2 that he promised long ago by what his prophets said in the holy Scriptures.
3-4 This good news is about his Son, our Lord Jesus Christ! As a human, he was from the family of David. But the Holy Spiritt proved that Jesus is the powerful Son of God, t because he was raised from death.
5 Jesus was kind to me and chose me to be an apostle, t so that people of all nations would obey and have faith.
6 You are some of those people chosen by Jesus Christ.
7 This letter is to all of you in Rome. God loves you and has chosen you to be his very own people.
I pray that God our Father and our Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!A Prayer of Thanks
8 First, I thank God in the name of Jesus Christ for all of you. I do this because people everywhere in the world are talking about your faith.
9 God has seen how I never stop praying for you, while I serve him with all my heart and tell the good news about his Son.
10 In all my prayers, I ask God to make it possible for me to visit you. 11 I want to see you and share with you the same blessings that God's Spirit has given me. Then you will grow stronger in your faith.
12 What I am saying is that we can encourage each other by the faith that is ours.
13 t My friends, I want you to know that I have often planned to come for a visit. But something has always kept me from doing it. I want to win followers to Christ in Rome, as I have done in many other places.
14-15 It doesn't matter if people are civilized and educated, or if they are uncivilized and uneducated. I must tell the good news to everyone. That's why I am eager to visit all of you in Rome.The Power //of the Good News
16 t I am proud of the good news! It is God's powerful way of saving all people who have faith, whether they are Jews or Gentiles.
17 t The good news tells how God accepts everyone who has faith, but only those who have faith.t It is just as the Scriptures say, “The people God accepts because of their faith will live.”tEveryone Is Guilty
18 From heaven God shows how angry he is with all the wicked and evil things that sinful people do to crush the truth. 19 They know everything that can be known about God, because God has shown it all to them. 20 t God's eternal power and character cannot be seen. But from the beginning of creation, God has shown what these are like by all he has made. That's why those people don't have any excuse. 21 t They know about God, but they don't honor him or even thank him. Their thoughts are useless, and their stupid minds are in the dark. 22 They claim to be wise, but they are fools.
23 t They don't worship the glorious and eternal God. Instead, they worship idols that are made to look like humans who cannot live forever, and like birds, animals, and reptiles.
24 So God let these people go their own way. They did what they wanted to do, and their filthy thoughts made them do shameful things with their bodies.
25 They gave up the truth about God for a lie, and they worshiped God's creation instead of God, who will be praised forever. Amen.
26 God let them follow their own evil desires. Women no longer wanted to have sex in a natural way, and they did things with each other that were not natural.
27 Men behaved in the same way. They stopped wanting to have sex with women and had strong desires for sex with other men. They did shameful things with each other, and what has happened to them is punishment for their foolish deeds.
28 t Since these people refused even to think about God, he let their useless minds rule over them. That's why they do all sorts of indecent things. 29 They are evil, wicked, and greedy, as well as mean in every possible way. They want what others have, and they murder, argue, cheat, and are hard to get along with. They gossip,
30 say cruel things about others, and hate God. They are proud, conceited, and boastful, always thinking up new ways to do evil.
These people don't respect their parents. 31 They are stupid, unreliable, and don't have any love or pity for others. 32 They know God has said that anyone who acts this way deserves to die. But they keep on doing evil things, and they even encourage others to do them.