Mga Taga-Roma 1
1 Si Pablo na alipin ni Jesucristo, na tinawag na maging apostol, ibinukod sa evangelio ng Dios,2 Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan,3 Tungkol sa kaniyang Anak, na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman,4 Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Jesucristo na Panginoon natin,5 Na sa pamamagitan niya'y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol, sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa, dahil sa kaniyang pangalan;6 Sa mga ito kayo naman, ay tinawag kay Jesucristo:7 Sa lahat ninyong nangasa Roma, mga iniibig ng Dios, tinawag na mangagbanal: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo.8 Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.9 Sapagka't ang Dios ang aking saksi, na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak, na walang patid na aking kayong binabanggit, sa aking mga panalangin,10 At laging isinasamo ko, kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo.11 Sapagka't ninanasa kong makita kayo, upang ako'y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu, upang kayo'y mangagsitibay;12 Sa makatuwid baga, upang ako't kayo ay maaliw sa inyo, ang bawa't isa sa atin sa pananampalataya ng iba, ang sa inyo at sa akin.13 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil.14 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.15 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.17 Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.18 Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;19 Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.20 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:21 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.22 Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,23 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.24 Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan, upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.26 Dahil dito'y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita: sapagka't pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo:27 At gayon din naman ang mga lalake, na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae, ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa't isa, na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali.28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:32 Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
ROMANS 1
1 From Paul, a servant of Christ Jesus.
God chose me to be an apostle, and he appointed me to preach the good news 2 that he promised long ago by what his prophets said in the holy Scriptures.
3-4 This good news is about his Son, our Lord Jesus Christ! As a human, he was from the family of David. But the Holy Spiritt proved that Jesus is the powerful Son of God, t because he was raised from death.
5 Jesus was kind to me and chose me to be an apostle, t so that people of all nations would obey and have faith.
6 You are some of those people chosen by Jesus Christ.
7 This letter is to all of you in Rome. God loves you and has chosen you to be his very own people.
I pray that God our Father and our Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!A Prayer of Thanks
8 First, I thank God in the name of Jesus Christ for all of you. I do this because people everywhere in the world are talking about your faith.
9 God has seen how I never stop praying for you, while I serve him with all my heart and tell the good news about his Son.
10 In all my prayers, I ask God to make it possible for me to visit you. 11 I want to see you and share with you the same blessings that God's Spirit has given me. Then you will grow stronger in your faith.
12 What I am saying is that we can encourage each other by the faith that is ours.
13 t My friends, I want you to know that I have often planned to come for a visit. But something has always kept me from doing it. I want to win followers to Christ in Rome, as I have done in many other places.
14-15 It doesn't matter if people are civilized and educated, or if they are uncivilized and uneducated. I must tell the good news to everyone. That's why I am eager to visit all of you in Rome.The Power //of the Good News
16 t I am proud of the good news! It is God's powerful way of saving all people who have faith, whether they are Jews or Gentiles.
17 t The good news tells how God accepts everyone who has faith, but only those who have faith.t It is just as the Scriptures say, “The people God accepts because of their faith will live.”tEveryone Is Guilty
18 From heaven God shows how angry he is with all the wicked and evil things that sinful people do to crush the truth. 19 They know everything that can be known about God, because God has shown it all to them. 20 t God's eternal power and character cannot be seen. But from the beginning of creation, God has shown what these are like by all he has made. That's why those people don't have any excuse. 21 t They know about God, but they don't honor him or even thank him. Their thoughts are useless, and their stupid minds are in the dark. 22 They claim to be wise, but they are fools.
23 t They don't worship the glorious and eternal God. Instead, they worship idols that are made to look like humans who cannot live forever, and like birds, animals, and reptiles.
24 So God let these people go their own way. They did what they wanted to do, and their filthy thoughts made them do shameful things with their bodies.
25 They gave up the truth about God for a lie, and they worshiped God's creation instead of God, who will be praised forever. Amen.
26 God let them follow their own evil desires. Women no longer wanted to have sex in a natural way, and they did things with each other that were not natural.
27 Men behaved in the same way. They stopped wanting to have sex with women and had strong desires for sex with other men. They did shameful things with each other, and what has happened to them is punishment for their foolish deeds.
28 t Since these people refused even to think about God, he let their useless minds rule over them. That's why they do all sorts of indecent things. 29 They are evil, wicked, and greedy, as well as mean in every possible way. They want what others have, and they murder, argue, cheat, and are hard to get along with. They gossip,
30 say cruel things about others, and hate God. They are proud, conceited, and boastful, always thinking up new ways to do evil.
These people don't respect their parents. 31 They are stupid, unreliable, and don't have any love or pity for others. 32 They know God has said that anyone who acts this way deserves to die. But they keep on doing evil things, and they even encourage others to do them.