Mga Taga-Roma 10
1 Mga kapatid, ang pinakananais ko at idinadalangin sa Diyos ay ang maligtas ang Israel. 2 Sapagkat saksi akong sila'y nagsisikap na maging kalugud-lugod sa Diyos. Mali nga lamang ang kanilang naging batayan. 3 Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.
4 Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang mapawalang-sala ang sinumang sumasampalataya sa kanya.Ang Kaligtasan ay Para sa Lahat
5 Ganitot ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunitt ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” na para bang nais pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’” na para bang nais pabangunin si Cristo mula sa mga libingan. 8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang kautusan, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito'y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabit nga ng kasulatan, “Walang sinumang sumasampalataya sa kanya ang mapapahiya.” 12 Kaya't walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya'y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya,
13 dahilt sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa Panginoon.”
14 Paano naman sila tatawag sa kanya kung hindi sila sumasampalataya? Paano sila sasampalataya kung wala pa silang napakinggan tungkol sa kanya? Paano naman sila makakapakinig kung walang mangangaral sa kanila? 15 Att paanong makakapangaral ang sinuman kung hindi siya isinugo? Tulad ng nasusulat, “O kay gandang pagmasdan ang pagdating ng mga may dalang Magandang Balita!” 16 Ngunitt hindi lahat ay tumanggap sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
17 Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
18 Subalitt ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat nasusulat,
“Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig.”
19 Itot pa ang isa kong tanong: Hindi kaya nakaunawa ang bansang Israel? Noon pa man ay sinabi na ni Moises,
“Gagamitin ko ang mga taong di man lamang isang bansa
upang kayo'y inggitin,
gagamitin ko ang isang bansang hangal
upang kayo'y galitin.”
20 Buongt tapang namang ipinahayag ni Isaias,
“Natagpuan ako ng mga hindi naghahanap sa akin.
Nagpahayag ako sa mga hindi nag-uusisa tungkol sa akin.”
21 Subalitt tungkol naman sa Israel ay sinabi niya,
“Buong maghapong nakaunat ang aking mga kamay
sa isang bansang suwail at rebelde!”
ROMANS 10
1 Dear friends, my greatest wish and my prayer to God is for the people of Israel to be saved. 2 I know they love God, but they don't understand 3 what makes people acceptable to him. So they refuse to trust God, and they try to be acceptable by obeying the Law.
4 But Christ makes the Law no longer necessaryt for those who become acceptable to God by faith.Anyone Can Be Saved
5 t Moses said a person could become acceptable to God by obeying the Law. He did this when he wrote, “If you want to live, you must do all the Law commands.”
6 t But people whose faith makes them acceptable to God will never ask, “Who will go up to heaven to bring Christ down?”
7 Neither will they ask, “Who will go down into the world of the dead to raise him to life?”
8 All who are acceptable because of their faith simply say, “The message is as near as your mouth or your heart.” And this is the same message we preach about faith. 9 So you will be saved, if you honestly say, “Jesus is Lord,” and if you believe with all your heart that God raised him from death.
10 God will accept you and save you, if you truly believe this and tell it to others.
11 t The Scriptures say no one who has faith will be disappointed, 12 no matter if that person is a Jew or a Gentile. There is only one Lord, and he is generous to everyone who asks for his help.
13 t All who call out to the Lord will be saved.
14 How can people have faith in the Lord and ask him to save them, if they have never heard about him? And how can they hear, unless someone tells them? 15 t And how can anyone tell them without being sent by the Lord? The Scriptures say it is a beautiful sight to see even the feet of someone coming to preach the good news.
16 t Yet not everyone has believed the message. For example, the prophet Isaiah asked, “Lord, has anyone believed what we said?”
17 No one can have faith without hearing the message about Christ.
18 t But am I saying that the people of Israel did not hear? No, I am not! The Scriptures say,
“The message was told
everywhere on earth.
It was announced
all over the world.”
19 t Did the people of Israel understand or not? Moses answered this question when he told that the Lord had said,
“I will make Israel jealous
of people
who are a nation
of nobodies.
I will make them angry
with people
who don't understand
a thing.”
20 t Isaiah was fearless enough to tell that the Lord had said,
“I was found by people
who were not looking
for me.
I appeared to the ones
who were not asking
about me.”
21 t And Isaiah said about the people of Israel,
“All day long the Lord
has reached out
to people who are stubborn
and refuse to obey.”