previous next

Mga Taga-Roma 15

1 Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili.2 Bawa't isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa, sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay.3 Sapagka't si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili; kundi gaya ng nasusulat, Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo, ay nangahulog sa akin.4 Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.5 Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:6 Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo.7 Sa ganito'y mangagtanggapan kayo, gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios.8 Sapagka't sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios, upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang,9 At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya nga't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan.10 At muling sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan.11 At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil; At purihin siya ng lahat ng mga bayan.12 At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, At siya'y lilitaw upang maghari sa mga Gentil; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil.13 Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.14 At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,16 Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,19 Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;21 Kundi, gaya ng nasusulat, Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya, At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.22 Kaya't madalas namang napigil ako ng pagpariyan sa inyo:23 Datapuwa't ngayon, na wala nang dako sa mga lupaing ito, at malaon nang panahong ako'y may nasang pumariyan sa inyo,24 Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako (sapagka't inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay, at ako'y sasamahan ninyo patungo doon, pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo).25 Nguni't ngayon, sinasabi ko, ako'y pasasa-Jerusalem, upang mamahagi sa mga banal.26 Sapagka't minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem.27 Oo, ito'y kalugodlugod sa kanila; at sila'y may utang na loob sa kanila. Sapagka't kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu, nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman.28 Kung maganap ko nga ito, at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito, ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana.29 At nalalaman ko na, pagpariyan ko sa inyo, ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo.30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;31 Upang ako'y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea, at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal;32 Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ako'y makarating sa inyo na may kagalakan, at ako'y makipamahinga sa inyo.33 Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.

ROMANS 15

Please Others and Not Yourself

1 If our faith is strong, we should be patient with the Lord's followers whose faith is weak. We should try to please them instead of ourselves. 2 We should think of their good and try to help them by doing what pleases them. 3 t Even Christ did not try to please himself. But as the Scriptures say, “The people who insulted you also insulted me.” 4 t And the Scriptures were written to teach and encourage us by giving us hope. 5 God is the one who makes us patient and cheerful. I pray that he will help you live at peace with each other, as you follow Christ.

6 Then all of you together will praise God, the Father of our Lord Jesus Christ.

The Good News Is for Jews //and Gentiles


7 Honor God by accepting each other, as Christ has accepted you. 8 I tell you that Christ came as a servant of the Jews to show that God has kept the promises he made to their famous ancestors. Christ also came,

9 t so that the Gentiles would praise God for being kind to them. It is just as the Scriptures say,
“I will tell the nations
about you,
and I will sing praises
to your name.”

10  t The Scriptures also say to the Gentiles, “Come and celebrate with God's people.”

11  t Again the Scriptures say,
“Praise the Lord,
all you Gentiles.
All you nations, come
and worship him.”

12  t Isaiah says,
“Someone from David's family
will come to power.
He will rule the nations,
and they will put their hope
in him.”

13 I pray that God, who gives hope, will bless you with complete happiness and peace because of your faith. And may the power of the Holy Spirit fill you with hope.

Paul's Work as a Missionary


14 My friends, I am sure that you are very good and that you have all the knowledge you need to teach each other. 15 But I have spoken to you plainly and have tried to remind you of some things. God treated me with undeserved grace!

16 He chose me to be a servant of Christ Jesus for the Gentiles and to do the work of a priest in the service of his good news. God did this so that the Holy Spirit could make the Gentiles into a holy offering, pleasing to him.
17 Because of Christ Jesus, I can take pride in my service for God. 18 In fact, all I will talk about is how Christ let me speak and work, so that the Gentiles would obey him. 19 Indeed, I will tell how Christ worked miracles and wonders by the power of the Holy Spirit. I have preached the good news about him all the way from Jerusalem to Illyricum. 20 But I have always tried to preach where people have never heard about Christ. I am like a builder who doesn't build on someone else's foundation.

21 t It is just as the Scriptures say,
“All who haven't been told
about him
will see him,
and those who haven't heard
about him
will understand.”

Paul's Plan To Visit Rome


22  t My work has always kept me from coming to see you. 23 Now there is nothing left for me to do in this part of the world, and for years I have wanted to visit you.

24 So I plan to stop off on my way to Spain. Then after a short, but refreshing, visit with you, I hope you will quickly send me on.
25-26  t I am now on my way to Jerusalem to deliver the money that the Lord's followers in Macedonia and Achaia collected for God's needy people. 27 t This is something they really wanted to do. But sharing their money with the Jews was also like paying back a debt, because the Jews had already shared their spiritual blessings with the Gentiles. 28 After I have safely delivered this money, I will visit you and then go on to Spain.

29 And when I do arrive in Rome, I know it will be with the full blessings of Christ.
30 My friends, by the power of the Lord Jesus Christ and by the love that comes from the Holy Spirit, I beg you to pray sincerely with me and for me. 31 Pray that God will protect me from the unbelievers in Judea, and that his people in Jerusalem will be pleased with what I am doing. 32 Ask God to let me come to you and have a pleasant and refreshing visit. 33 I pray that God, who gives peace, will be with all of you. Amen.