previous next

Mga Taga-Roma 3

1 Kung gayon, paanong nakakalamang ang Judio sa hindi Judio? Ano ang kabuluhan ng pagiging tuli? 2 Napakarami! Una sa lahat, ang mga Judio ang pinagkatiwalaan ng mga mensahe ng Diyos. 3 Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig kayang sabihin niyon ay hindi na rin tapat ang Diyos?

4 Hinding-hindi!t Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat,
“Upang kilalanin kang matuwid sa iyong mga salita,
at manaig ka kung hahatulan ka na.”
5 Ngunit kung ang kasamaan natin ay nagpapakilala ng katarungan ng Diyos, masasabi ba nating hindi siya makatarungan dahil tayo'y pinaparusahan niya? (Ganyan ang pangangatuwiran ng tao.)

6 Hinding-hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan?
7 Kung sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay lalong lumilitaw ang kaluwalhatian ng Diyos, sapagkat lalong nakikilala na siya'y tapat, bakit pa niya ako paparusahan bilang isang makasalanan?

8 Kung gayon, bakit nga hindi natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama kung mabuti naman ang magiging bunga noon?” Ganyan daw ang itinuturo namin, sabi ng mga naninira sa amin. Sila'y paparusahan ng Diyos, at iyan ang nararapat.

Walang Sinumang Matuwid


9 Ano ngayon? Ang kalagayan ba nating mga Judio ay mas mabutit kaysa sa mga Hentil? Hindi! Tulad na nga ng aming sinabi, ang lahat ng tao ay makasalanan, maging Judio o Hentil man.

10 Ayont sa nasusulat,
“Walang matuwid, wala kahit isa.

11 Walang nakakaunawa,
walang naghahanap sa Diyos.

12 Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

13 “Parangt bukás na libingan ang kanilang lalamunan;
pananalita nila'y pawang panlilinlang.
Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.”

14 “Punot ng pagmumura at masasamang salita ang kanilang bibig.”

15 “Sila'yt tumatakbo upang pumatay ng kapwa.

16 Parang dinaanan ng salot ang kanilang madaanan,

17 hindi nila alam ang daan ng kapayapaan.”

18 “Hindit sila marunong matakot sa Diyos.”
19 Alam natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasasakop nito upang walang maidahilan ang sinuman, at dahil dito'y mananagot ang lahat sa Diyos.

20 Walangt taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, dahil ang gawain ng Kautusan ay ang ipamukha sa tao na siya'y nagkasala.

Ang Pagpapawalang-sala ng Diyos sa Tao


21 Ngunit ngayo'y nahayag na kung paano pinapawalang-sala ng Diyos ang tao. Hindi ito sa pamamagitan ng Kautusan; ang Kautusan at ang mga Propeta mismo ang nagpapatotoo tungkol dito. 22 Pinapawalang-salat ng Diyos ang lahat ng sumasampalataya kay Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya, maging Judio man o Hentil. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Ngunit dahil sa kanyang kagandahang-loob, sila ay pinawalang-sala na niya sa pamamagitan ni Cristo Jesus na siyang nagpapalaya sa kanila. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Ginawa ito ng Diyos upang patunayang siya'y matuwid. Noong unang panahon, nagtimpi siya at ipinagpaumanhin ang mga kasalanang nagawa ng mga tao.

26 Ngunit ngayon ay tuwirang ipinapakita ng Diyos na siya'y matuwid at siya ang nagpapawalang-sala sa mga sumasampalataya kay Jesus.
27 Kaya't ano ngayon ang ating maipagmamalaki? Wala! At bakit naman tayo magmamalaki? Dahil ba sa ating pagsunod sa Kautusan? Hindi! Kundi dahil sa ating pananampalataya kay Cristo. 28 Kung gayon, maliwanag na sa pamamagitan lamang ng pananampalataya mapapawalang-sala ang tao, at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos din ng mga Hentil, 30 sapagkatt iisa lamang ang Diyos. Kapwa niya tatanggapin ang mga Judio at mga Hentil dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya. 31 Pinapawalang saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalatayang ito? Hinding-hindi! Sa halip, pinapagtibay pa nga namin ito.

ROMANS 3

1 What good is it to be a Jew? What good is it to be circumcised? 2 It is good in a lot of ways! First of all, God's messages were spoken to the Jews. 3 It is true that some of them did not believe the message. But does this mean that God cannot be trusted, just because they did not have faith?

4 t No, indeed! God tells the truth, even if everyone else is a liar. The Scriptures say about God,
“Your words
will be proven true,
and in court
you will win your case.”
5 If our evil deeds show how right God is, then what can we say? Is it wrong for God to become angry and punish us? What a foolish thing to ask. 6 But the answer is, “No.” Otherwise, how could God judge the world? 7 Since your lies bring great honor to God by showing how truthful he is, you may ask why God still says you are a sinner.

8 You might as well say, “Let's do something evil, so that something good will come of it!” Some people even claim that we are saying this. But God is fair and will judge them as well.

No One Is Good


9 What does all this mean? Does it mean that we Jews are better offt than the Gentiles? No, it doesn't! Jews, as well as Gentiles, are ruled by sin, just as I have said.

10 t The Scriptures tell us,
“No one is acceptable to God!

11 Not one of them understands
or even searches for God.

12 They have all turned away
and are worthless.
There isn't one person
who does right.

13  t Their words are like
an open pit,
and their tongues are good
only for telling lies.
Each word is as deadly
as the fangs of a snake,

14  t and they say nothing
but bitter curses.

15  t These people quickly
become violent.

16 Wherever they go,
they leave ruin
and destruction.

17 They don't know how
to live in peace.

18  t They don't even fear God.”
19 We know that everything in the Law was written for those who are under its power. The Law says these things to stop anyone from making excuses and to let God show that the whole world is guilty.

20 t God doesn't accept people simply because they obey the Law. No, indeed! All the Law does is to point out our sin.

God's Way //of Accepting People


21 Now we see how God does make us acceptable to him. The Law and the Prophetst tell how we become acceptable, and it isn't by obeying the Law of Moses. 22 t God treats everyone alike. He accepts people only because they have faith in Jesus Christ. 23 All of us have sinned and fallen short of God's glory. 24 But God treats us much better than we deserve, and because of Christ Jesus, he freely accepts us and sets us free from our sins.

25-26 t God sent Christ to be our sacrifice. Christ offered his life's blood, so by faith in him we could come to God. And God did this to show that in the past he was right to be patient and forgive sinners. This also shows that God is right when he accepts people who have faith in Jesus.
27 What is left for us to brag about? Not a thing! Is it because we obeyed some law? No! It is because of faith. 28 We see that people are acceptable to God because they have faith, and not because they obey the Law. 29 Does God belong only to the Jews? Isn't he also the God of the Gentiles? Yes, he is! 30 t There is only one God, and he accepts Gentiles as well as Jews, simply because of their faith. 31 Do we destroy the Law by our faith? Not at all! We make it even more powerful.