Mga Taga-Roma 3
1 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios.3 Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios?4 Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat, Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita, At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.5 Datapuwa't kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)6 Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?7 Datapuwa't kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?8 At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.9 Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;11 Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios;12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:13 Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:14 Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:15 Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;18 Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.21 Datapuwa't ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't walang pagkakaiba;23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:25 Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.27 Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:30 Kung gayon nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
ROMANS 3
1 What good is it to be a Jew? What good is it to be circumcised? 2 It is good in a lot of ways! First of all, God's messages were spoken to the Jews. 3 It is true that some of them did not believe the message. But does this mean that God cannot be trusted, just because they did not have faith?
4 t No, indeed! God tells the truth, even if everyone else is a liar. The Scriptures say about God,
“Your words
will be proven true,
and in court
you will win your case.”
5 If our evil deeds show how right God is, then what can we say? Is it wrong for God to become angry and punish us? What a foolish thing to ask. 6 But the answer is, “No.” Otherwise, how could God judge the world? 7 Since your lies bring great honor to God by showing how truthful he is, you may ask why God still says you are a sinner.
8 You might as well say, “Let's do something evil, so that something good will come of it!” Some people even claim that we are saying this. But God is fair and will judge them as well.No One Is Good
9 What does all this mean? Does it mean that we Jews are better offt than the Gentiles? No, it doesn't! Jews, as well as Gentiles, are ruled by sin, just as I have said.
10 t The Scriptures tell us,
“No one is acceptable to God!
11 Not one of them understands
or even searches for God.
12 They have all turned away
and are worthless.
There isn't one person
who does right.
13 t Their words are like
an open pit,
and their tongues are good
only for telling lies.
Each word is as deadly
as the fangs of a snake,
14 t and they say nothing
but bitter curses.
15 t These people quickly
become violent.
16 Wherever they go,
they leave ruin
and destruction.
17 They don't know how
to live in peace.
18 t They don't even fear God.”
19 We know that everything in the Law was written for those who are under its power. The Law says these things to stop anyone from making excuses and to let God show that the whole world is guilty.
20 t God doesn't accept people simply because they obey the Law. No, indeed! All the Law does is to point out our sin.God's Way //of Accepting People
21 Now we see how God does make us acceptable to him. The Law and the Prophetst tell how we become acceptable, and it isn't by obeying the Law of Moses. 22 t God treats everyone alike. He accepts people only because they have faith in Jesus Christ. 23 All of us have sinned and fallen short of God's glory. 24 But God treats us much better than we deserve, and because of Christ Jesus, he freely accepts us and sets us free from our sins.
25-26 t God sent Christ to be our sacrifice. Christ offered his life's blood, so by faith in him we could come to God. And God did this to show that in the past he was right to be patient and forgive sinners. This also shows that God is right when he accepts people who have faith in Jesus.
27 What is left for us to brag about? Not a thing! Is it because we obeyed some law? No! It is because of faith. 28 We see that people are acceptable to God because they have faith, and not because they obey the Law. 29 Does God belong only to the Jews? Isn't he also the God of the Gentiles? Yes, he is! 30 t There is only one God, and he accepts Gentiles as well as Jews, simply because of their faith. 31 Do we destroy the Law by our faith? Not at all! We make it even more powerful.