previous next

Mga Taga-Roma 5

Mga Bunga ng Pagtanggap ng Diyos

1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Sa pamamagitan ng pagsampalatayat kay Jesu-Cristo, tinamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at tayo'y nagagalak dahil sa pag-asang tayo'y makakabahagi sa kanyang kaluwalhatian. 3 Hindi lamang iyan. Ikinagagalak din natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil alam nating ito'y nagbubunga ng pagtitiyaga. 4 At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan naman ay nagbubunga ng pag-asa.

5 At hindi tayo binibigo ng pag-asang ito sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.
6 Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. 7 Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhay alang-alang sa isang taong matuwid, kahit na maaaring may mangahas na gumawa nito alang-alang sa isang taong mabuti. 8 Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. 9 Kaya't sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala, at tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. 10 Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na niya tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na maliligtas tayo sapagkat si Cristo ay buháy.

11 At hindi lamang iyan! Tayo'y nagagalak at nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sapagkat dahil sa kanya ay tinanggap tayo bilang mga kaibigan ng Diyos.

Si Adan at si Cristo


12 Angt kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. 13 Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago ibigay ang Kautusan, ngunit kung walang kautusan, ang kasalanan ay hindi ituturing na kasalanan.

14 Gayunman, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, pati sa mga taong hindi nagkasala tulad ng pagsuway ni Adan sa utos ng Diyos.
Si Adan ay anyo ng isang darating.
15 Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo. 16 Ang kaloob na ito ay higit na di hamak kaysa sa ibinunga ng pagsuway ni Adan. Sapagkat hatol na kaparusahan ang idinulot matapos na magawâ ang isang pagsuway, subalit kaloob na nagpapawalang-sala naman ang idinulot matapos magawâ ang maraming pagsuway.

17 Sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao, si Jesu-Cristo, ang mga taong pinagpala nang sagana at itinuring na matuwid ng Diyos ay maghahari sa buhay.
18 At kung paanong ang pagsuway ng isang tao ay nagdulot ng kaparusahan sa lahat, ang matuwid na ginawa rin ng isang tao ay nagdudulot ng kapatawaran at buhay sa lahat.

19 Sapagkat kung ang lahat ay naging makasalanan dahil sa pagsuway ng isang tao, ang lahat ay mapapawalang-sala dahil sa pagsunod ng isa ring tao.
20 Nang magkaroon ng Kautusan, dumami ang pagsuway; ngunit sa pagdami naman ng mga pagsuway ay lalong sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos. 21 Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayundin naman maghahari ang kagandahang-loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala. Ito'y magdudulot ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

ROMANS 5

What It Means //To Be Acceptable //to God

1 By faith we have been made acceptable to God. And now, thanks to our Lord Jesus Christ, we have peacet with God. 2 Christ has also introduced ust to God's gift of undeserved grace on which we now take our stand. So we are happy, as we look forward to sharing in the glory of God. 3 But that's not all! We gladly suffer, t because we know that suffering helps us to endure. 4 And endurance builds character, which gives us a hope

5 that will never disappoint us. All of this happens because God has given us the Holy Spirit, who fills our hearts with his love.
6 Christ died for us at a time when we were helpless and sinful. 7 No one is really willing to die for an honest person, though someone might be willing to die for a truly good person.

8 But God showed how much he loved us by having Christ die for us, even though we were sinful.
9 But there is more! Now that God has accepted us because Christ sacrificed his life's blood, we will also be kept safe from God's anger. 10 Even when we were God's enemies, he made peace with us, because his Son died for us. Yet something even greater than friendship is ours. Now that we are at peace with God, we will be saved by the life of his Son.

11 And in addition to everything else, we are happy because God sent our Lord Jesus Christ to make peace with us.

Adam and Christ


12  t Adam sinned, and that sin brought death into the world. Now everyone has sinned, and so everyone must die. 13 Sin was in the world before the Law came. But no record of sin was kept, because there was no Law.

14 Yet death still had power over all who lived from the time of Adam to the time of Moses. This happened, though not everyone disobeyed a direct command from God, as Adam did.
In some ways Adam is like Christ who came later.

15 But the gift of God's undeserved grace was very different from Adam's sin. That one sin brought death to many others. Yet in an even greater way, Jesus Christ alone brought God's gift of undeserved grace to many people.
16 There is a lot of difference between Adam's sin and God's gift. That one sin led to punishment. But God's gift made it possible for us to be acceptable to him, even though we have sinned many times.

17 Death ruled like a king because Adam had sinned. But that cannot compare with what Jesus Christ has done. God has treated us with undeserved grace, and he has accepted us because of Jesus. And so we will live and rule like kings.
18  t Everyone was going to be punished because Adam sinned. But because of the good thing that Christ has done, God accepts us and gives us the gift of life.

19 Adam disobeyed God and caused many others to be sinners. But Jesus obeyed him and will make many people acceptable to God.
20 The Law came, so that the full power of sin could be seen. Yet where sin was powerful, God's gift of undeserved grace was even more powerful. 21 Sin ruled by means of death. But God's gift of grace now rules, and God has accepted us because of Jesus Christ our Lord. This means that we will have eternal life.