previous next

Mga Taga-Roma 5

1 Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;2 Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.3 At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;4 At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:5 At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.6 Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.7 Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.9 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.10 Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay;11 At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.12 Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:13 Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.14 Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, na siyang anyo niyaong darating.15 Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.16 At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.17 Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.19 Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.20 At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya:21 Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.

ROMANS 5

What It Means //To Be Acceptable //to God

1 By faith we have been made acceptable to God. And now, thanks to our Lord Jesus Christ, we have peacet with God. 2 Christ has also introduced ust to God's gift of undeserved grace on which we now take our stand. So we are happy, as we look forward to sharing in the glory of God. 3 But that's not all! We gladly suffer, t because we know that suffering helps us to endure. 4 And endurance builds character, which gives us a hope

5 that will never disappoint us. All of this happens because God has given us the Holy Spirit, who fills our hearts with his love.
6 Christ died for us at a time when we were helpless and sinful. 7 No one is really willing to die for an honest person, though someone might be willing to die for a truly good person.

8 But God showed how much he loved us by having Christ die for us, even though we were sinful.
9 But there is more! Now that God has accepted us because Christ sacrificed his life's blood, we will also be kept safe from God's anger. 10 Even when we were God's enemies, he made peace with us, because his Son died for us. Yet something even greater than friendship is ours. Now that we are at peace with God, we will be saved by the life of his Son.

11 And in addition to everything else, we are happy because God sent our Lord Jesus Christ to make peace with us.

Adam and Christ


12  t Adam sinned, and that sin brought death into the world. Now everyone has sinned, and so everyone must die. 13 Sin was in the world before the Law came. But no record of sin was kept, because there was no Law.

14 Yet death still had power over all who lived from the time of Adam to the time of Moses. This happened, though not everyone disobeyed a direct command from God, as Adam did.
In some ways Adam is like Christ who came later.

15 But the gift of God's undeserved grace was very different from Adam's sin. That one sin brought death to many others. Yet in an even greater way, Jesus Christ alone brought God's gift of undeserved grace to many people.
16 There is a lot of difference between Adam's sin and God's gift. That one sin led to punishment. But God's gift made it possible for us to be acceptable to him, even though we have sinned many times.

17 Death ruled like a king because Adam had sinned. But that cannot compare with what Jesus Christ has done. God has treated us with undeserved grace, and he has accepted us because of Jesus. And so we will live and rule like kings.
18  t Everyone was going to be punished because Adam sinned. But because of the good thing that Christ has done, God accepts us and gives us the gift of life.

19 Adam disobeyed God and caused many others to be sinners. But Jesus obeyed him and will make many people acceptable to God.
20 The Law came, so that the full power of sin could be seen. Yet where sin was powerful, God's gift of undeserved grace was even more powerful. 21 Sin ruled by means of death. But God's gift of grace now rules, and God has accepted us because of Jesus Christ our Lord. This means that we will have eternal life.