previous next

Mga Taga-Roma 6

1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana?2 Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?3 O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?4 Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.5 Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;6 Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;7 Sapagka't ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.8 Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya;9 Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay; ang kamataya'y hindi naghahari sa kaniya.10 Sapagka't ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa't ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.11 Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni't mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.12 Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo'y magsisunod sa kaniyang mga pita:13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka't wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya.15 Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.16 Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?17 Datapuwa't salamat sa Dios, na, bagama't kayo'y naging mga alipin ng kasalanan, kayo'y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo;18 At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.19 Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman: sapagka't kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo't lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal.20 Sapagka't nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo'y laya tungkol sa katuwiran.21 Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo'y ikinahihiya ninyo? sapagka't ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan.22 Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

ROMANS 6

Dead to Sin but Alive //because of Christ

1 What should we say? Should we keep on sinning, so that God's gift of undeserved grace will show up even better? 2 No, we should not! If we are dead to sin, how can we go on sinning? 3 Don't you know that all who share in Christ Jesus by being baptized also share in his death?

4 t When we were baptized, we died and were buried with Christ. We were baptized, so we would live a new life, as Christ was raised to life by the glory of God the Father.
5 If we shared in Jesus' death by being baptized, we will be raised to life with him. 6 We know that the persons we used to be were nailed to the cross with Jesus. This was done, so our sinful bodies would no longer be the slaves of sin.

7 We know sin doesn't have power over dead people.
8 As surely as we died with Christ, we believe we will also live with him. 9 We know that death no longer has any power over Christ. He died and was raised to life, never again to die. 10 When Christ died, he died for sin once and for all. But now he is alive, and he lives only for God.

11 In the same way, you must think of yourselves as dead to the power of sin. But Christ Jesus has given life to you, and you live for God.
12 Don't let sin rule your body. After all, your body is bound to die, so don't obey its desires 13 or let any part of it become a slave of evil. Give yourselves to God, as people who have been raised from death to life. Make every part of your body a slave that pleases God.

14 Don't let sin keep ruling your lives. You are ruled by God's undeserved grace and not by the Law.

Slaves Who Do What //Pleases God


15 What does all this mean? Does it mean we are free to sin, because we are ruled by God's gift of undeserved grace and not by the Law? Certainly not! 16 Don't you know that you are slaves of anyone you obey? You can be slaves of sin and die, or you can be obedient slaves of God and be acceptable to him. 17 You used to be slaves of sin. But I thank God that with all your heart you followed the example set forth in the teaching you received.

18 Now you are set free from sin and are slaves who please God.

19 I am using these everyday examples, because in some ways you are still weak. You used to let the different parts of your body be slaves of your evil thoughts. But now you must make every part of your body serve God, so that you will belong completely to him.
20 When you were slaves of sin, you didn't have to please God. 21 But what good did you receive from the things you did? All you have to show for them is your shame, and they lead to death. 22 Now you have been set free from sin, and you are God's slaves. This will make you holy and will lead you to eternal life. 23 Sin pays off with death. But God's gift is eternal life given by Jesus Christ our Lord.