previous next

Mga Taga-Roma 7

Wala na sa Ilalim ng Kautusan

1 Mga kapatid, kayo'y nakakaunawa ng batas. Alam ninyong ang isang tao'y nasasakop lamang ng batas habang siya'y nabubuhay. 2 Halimbawa, ayon sa Kautusan, ang isang babae ay nasasakop ng kanyang asawa habang nabubuhay ito. Subalit kung mamatay na ang lalaki, malaya na ang babae sa batas na nagtatali sa kanya sa lalaking iyon. 3 Kaya nga, siya'y magkakasala ng pangangalunya kung makikisama siya sa ibang lalaki habang nabubuhay ang kanyang asawa. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na iyon, at mag-asawa man siya sa ibang lalaki, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya. 4 Gayundin naman mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan dahil kayo'y bahagi ng katawan ni Cristo, at ngayon kayo ay kabilang na sa mga nakipag-isa sa kanya na muling binuhay, upang magbunga tayo ng mabubuting gawa para sa Diyos. 5 Noong tayo'y namumuhay pa ayon sa ating likas na pagkatao, ang ating mga masasamang hilig na pinupukaw ng Kautusan ay nag-uudyok sa atin na gumawa ng mga bagay na hahantong sa kamatayan.

6 Ngunit malaya na tayo ngayon mula sa Kautusan dahil namatay na tayo sa kasalanang dating umaalipin sa atin. Kaya, tayo'y naglilingkod sa Diyos hindi dahil sa lumang batas na nakasulat, kundi dahil sa bagong buhay ng Espiritu.

Ang Kautusan at ang Kasalanan


7 Angt ibig bang sabihin nito'y ang Kautusan ay masama? Hinding-hindi! Kaya lamang, kundi dahil sa Kautusan ay hindi ko sana nalaman kung ano ang kasalanan. Hindi ko sana nalaman kung ano ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng Kautusan, “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba.” 8 Ngunit dahil sa kautusan, ang loob ko'y pinukaw ng kasalanan sa lahat ng uri ng kasakiman. Sapagkat walang kasalanan kung walang kautusan. 9 Noong una, namuhay ako nang walang kautusan. Subalit nang dumating ang kautusan, nabuhay ang kasalanan 10 at ako'y namatay. Ang kautusang dapat sanang magdulot sa akin ng buhay ay siyang nagdulot sa akin ng kamatayan.

11 Sapagkatt kinasangkapan ng kasalanan ang kautusan upang ako'y dayain, at sa gayon, ay napatay nga ako ng kasalanan.
12 Kaya nga, banal ang Kautusan at ang bawat utos ay banal, matuwid, at mabuti.

13 Ang ibig bang sabihin nito'y nagdulot sa akin ng kamatayan ang mabuting bagay? Hinding-hindi! Ang kasalanan ang pumatay sa akin sa pamamagitan ng mabuting bagay. Nangyari ito upang maipakita kung ano nga ang kasalanan, at upang mahayag, sa pamamagitan ng Kautusan, na ang kasalanan ay talagang napakasama.

Ang Hilig ng Laman at Tuntunin ng Isip


14 Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako'y makalaman at alipin ng kasalanan. 15 Hindit ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko, sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. 16 Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nangangahulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan. 17 Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi ang kasalanang nananatili sa akin. 18 Alam kong walang mabuting bagay na nananatili sa aking katawang makalaman. Kaya kong naisin ang mabuti, ngunit hindi ko nga lamang magawâ ang mabuting ninanais ko. 19 Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto ang siya kong ginagawa.

20 Kung ang ginagawa ko ay hindi ko nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang nananatili sa akin.
21 Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. 22 Sa kaibuturan ng aking puso, ako'y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. 23 Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. 24 Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin?

25 Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!
Ito nga ang kalagayan ko: sa aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kautusan ng Diyos, ngunit sa aking katawang makalaman, pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasalanan.

ROMANS 7

An Example from Marriage

1 My friends, you surely understand enough about law to know that laws only have power over people who are alive. 2 For example, the Law says that a man's wife must remain his wife as long as he lives. But once her husband is dead, she is free

3 to marry someone else. However, if she goes off with another man while her husband is still alive, she is said to be unfaithful.
4 That is how it is with you, my friends. You are now part of the body of Christ and are dead to the power of the Law. You are free to belong to Christ, who was raised to life so we could serve God. 5 When we thought only of ourselves, the Law made us have sinful desires. It made every part of our bodies into slaves who are doomed to die.

6 But the Law no longer rules over us. We are like dead people, and it cannot have any power over us. Now we can serve God in a new way by obeying his Spirit, and not in the old way by obeying the written Law.

The Battle with Sin


7  t Does this mean that the Law is sinful? Certainly not! But if it had not been for the Law, I would not have known what sin is really like. For example, I would not have known what it means to want something that belongs to someone else, unless the Law had told me not to do this.

8 It was sin that used this command as a way of making me have all kinds of desires. But without the Law, sin is dead.
9 Before I knew about the Law, I was alive. But as soon as I heard that command, sin came to life, 10 and I died. The very command that was supposed to bring life to me, instead brought death. 11 t Sin used this command to trick me, and because of it I died.

12 Still, the Law and its commands are holy and correct and good.
13 Am I saying something good caused my death? Certainly not! It was sin that killed me by using something good. Now we can see how terrible and evil sin really is. 14 We know that the Law is spiritual. But I am merely a human, and I have been sold as a slave to sin. 15 t In fact, I don't understand why I act the way I do. I don't do what I know is right. I do the things I hate. 16 Although I don't do what I know is right, I agree that the Law is good.

17 So I am not the one doing these evil things. The sin that lives in me is what does them.
18 I know that my selfish desires won't let me do anything that is good. Even when I want to do right, I cannot. 19 Instead of doing what I know is right, I do wrong.

20 And so, if I don't do what I know is right, I am no longer the one doing these evil things. The sin that lives in me is what does them.
21 The Law has shown me that something in me keeps me from doing what I know is right. 22 With my whole heart I agree with the Law of God. 23 But in every part of me I discover something fighting against my mind, and it makes me a prisoner of sin that controls everything I do. 24 What a miserable person I am. Who will rescue me from this body that is doomed to die?

25 Thank God! Jesus Christ will rescue me.
So with my mind I serve the Law of God, although my selfish desires make me serve the law of sin.