previous next

Tito 1

1 Mula kay Pablo, isang lingkod ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo.
Sinugo ako upang patibayin ang pananampalataya ng mga hinirang ng Diyos, at upang palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa katotohanang makakapaglapit sa atin sa Diyos,
2 at bigyan sila ng pag-asa sa buhay na walang hanggan. Bago pa likhain ang sanlibutan, ang buhay na ito'y ipinangako na ng Diyos na kailanma'y hindi sinungaling.

3 Ipinahayag niya ito sa kanyang salita sa takdang panahon, at ako ang napagkatiwalaang mangaral nito, ayon sa utos ng Diyos na ating Tagapagligtas.

4 Sumusulatt ako kay Tito, na tunay kong anak sa pananampalataya.
Sumaiyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula sa ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus.

Mga Gawain ni Tito sa Creta


5 Iniwan kita sa Creta upang ayusin mo ang mga bagay na dapat pang ayusin at upang pumili ka ng mga matatandang mamamahala sa iglesya sa bawat bayan, ayon sa iniutos ko sa iyo. 6 Pumilit ka ng mga taong walang kapintasan; isa lamang ang asawa,t at ang mga anak ay mananampalataya at hindi maguguló o matitigas ang ulo. 7 Bilang katiwala ng Diyos, kailangang walang kapintasan ang isang tagapangasiwat ng iglesya. Hindi siya dapat mayabang, hindi magagalitin, hindi lasenggo, hindi mapusok o sakim, 8 bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, may kabanalan, at marunong magpigil sa sarili.

9 Kailangang matatag siyang nananalig sa mga tunay na aral na natutuhan niya, upang ito'y maituro naman niya sa iba at maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito.
10 Sapagkat maraming tao, lalung-lalo na ang mga galing sa Judaismo, ang sumasalungat laban sa mga aral na ito. Dinadaya nila ang iba sa pamamagitan ng mga katuruang walang kabuluhan. 11 Kailangang pigilin mo sila sa kanilang ginagawang ito sapagkat ginugulo nila ang mga pamilya. Kumita lamang sila ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. 12 Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay talagang sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw.” 13 Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang sila'y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya, 14 at huwag nang maniwala pa sa mga alamat ng mga Judio, o sa katuruan ng mga taong tumalikod sa katotohanan. 15 Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan. 16 Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit hindi naman ito nakikita sa kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi makagawa ng anumang mabuti.

TITUS 1

1 From Paul, a servant of God and an apostle of Jesus Christ.
I encourage God's own people to have more faith and to understand the truth about religion.
2 Then they will have the hope of eternal life God promised long ago. And God never tells a lie!

3 So, at the proper time, God our Savior gave this message and told me to announce what he had said.

4  t Titus, because of our faith, you are like a son to me. I pray that God our Father and Christ Jesus our Savior will be kind to you and will bless you with peace!

What Titus Was To Do //in Crete


5 I left you in Crete to do what had been left undone and to appoint leaderst for the churches in each town. As I told you,

6 t they must have a good reputation and be faithful in marriage.t Their children must be followers of the Lord and not have a reputation for being wild and disobedient.
7 Church officialst are in charge of God's work, and so they must also have a good reputation. They must not be bossy, quick-tempered, heavy drinkers, bullies, or dishonest in business. 8 Instead, they must be friendly to strangers and enjoy doing good things. They must also be sensible, fair, pure, and self-controlled.

9 They must stick to the true message they were taught, so their good teaching can help others and correct everyone who opposes it.
10 There are many who don't respect authority, and they fool others by talking nonsense. This is especially true of some Jewish followers. 11 But you must make them be quiet. They are after money, and they upset whole families by teaching what they should not.

12 It is like one of their own prophets once said,
“The people of Crete
always tell lies.
They are greedy and lazy
like wild animals.”
13 This surely is a true saying. And you should be hard on such people, so you can help them grow stronger in their faith.

14 Don't pay any attention to any of those senseless Jewish stories and human commands. These are made up by people who won't obey the truth.
15 Everything is pure for someone whose heart is pure. But nothing is pure for an unbeliever with a dirty mind. That person's mind and conscience are destroyed. 16 Such people claim to know God, but their actions prove they really don't. They are disgusting. They won't obey God, and they are too worthless to do anything good.