Tito 2
Ang Wastong Pamumuhay
1 Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa wastong aral. 2 Sabihin mo sa matatandang lalaki na sila'y maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis. 3 Sabihin mo sa matatandang babae na sila'y mamuhay na may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing kundi magturo sila ng mabuti, 4 upang maakay nila ang mga kabataang babae na mahalin ang kanilang mga asawa at mga anak.
5 Ang mga kabataang ito'y kailangan ding turuan na maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos nang dahil sa kanila.
6 Turuan mo rin ang mga kabataang lalaki na maging mapagpigil sa sarili. 7 Sa lahat ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.
8 Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo. Kaya't mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.
9 Turuan mo ang mga alipin na maging masunurin at kalugud-lugod sa kanilang mga amo. Hindi nila dapat sagut-sagutin ang mga ito,
10 ni pagnakawan man. Dapat silang maging tapat sa lahat ng pagkakataon, upang maipakita nila sa lahat nilang ginagawa ang kagandahan ng mga katuruan ng Diyos na ating Tagapagligtas.
11 Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. 12 Ito ang nagtuturo sa atin upang talikuran ang makamundong pamumuhay at damdaming makalaman, at upang makapamuhay tayo ngayon nang may pagpipigil, matuwid at karapat-dapat sa Diyos 13 habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
14 Inihandogt niya ang kanyang sarili upang palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo upang maging bayan niyang masigasig sa paggawa ng mabuti.
15 Ipahayag mo ang lahat ng ito, at gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa pagpapalakas ng loob at pagsaway sa iyong mga tagapakinig. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.
TITUS 2
Instructions for Different Groups //of People
1 Titus, you must teach only what is correct.
2 Tell the older men to have self-control and to be serious and sensible. Their faith, love, and patience must never fail.
3 Tell the older women to behave as those who love the Lord should. They must not gossip about others or be slaves of wine. They must teach what is proper, 4 so the younger women will be loving wives and mothers.
5 Each of the younger women must be sensible and kind, as well as a good homemaker, who puts her own husband first. Then no one can say insulting things about God's message.
6 Tell the young men to have self-control in everything.
7 Always set a good example for others. Be sincere and serious when you teach.
8 Use clean language that no one can criticize. Do this, and your enemies will be too ashamed to say anything against you.
9 Tell slaves always to please their owners by obeying them in everything. Slaves must not talk back to their owners
10 or steal from them. They must be completely honest and trustworthy. Then everyone will show great respect for what is taught about God our Savior.God's Kindness and //the New Life
11 God has shown us undeserved grace by coming to save all people. 12 He taught us to give up our wicked ways and our worldly desires and to live decent and honest lives in this world. 13 We are filled with hope, as we wait for the glorious return of our great God and Savior Jesus Christ.t
14 t He gave himself to rescue us from everything evil and to make our hearts pure. He wanted us to be his own people and to be eager to do right.
15 Teach these things, as you use your full authority to encourage and correct people. Make sure you earn everyone's respect.